Walang masama sap ag hingi ng tulong at lalong walang masama sa pag tulong sa kapwa lalo na kung alam mo namang mahirap na sitwasyon talaga ang kinakaharap.

Ngayong panahon ng pandemya, nararapat lamang na mag abutan tayo ng kamay sa isat isa upang sabay sabay na makabangon.

Maaaring sabihin na hindi dapat basta basta tumutulong dahil nananamantala o hindi kaya man mapahamak lalo na at hindi naman kilala.

Ngunit ang pamilyang ito sa Cebu na hindi nag dalawang isip tulungan ang isang Amerikanong dayuhan nan a stranded dito sa Pilipinas dahil sa lockdown.

Binuksan nila ang pintuan ng kanilang bahay upang patuluyin ang American- vlogger na si Dustin Borglin.

Taong 2016 pa lamang nang bumisita siya sa Pilipinas at bumalik sa America. Dahil sa sobrang pagkabighani niya sa kultura ng ating bansa, nag desisyon siyang bumalik kaya naman kinupkop siya ng pamilya nina Reymund at Reche Adoptante.

Hindi naman din naging pabigat si Dustin sa pamilya. Sa katunayan ay pinagawaan niya ng maayos na palikuran ang Toledo City. Nagbigay din siya ng mga ayuda at pera para sa mga tao doon. Higit sa lahat, bilang pasasalamat niya sa Adoptante Family, pinagawaan niya ito ng bahay.

Tunay ngang iba ang nagagawa kapag ikaw ay may busilak na puso at hindi nag dadalawang isip na tumulong.