Masaya naman talaga mag-alaga ng aso lalo na kung ito ay sayo lumaki, ang iba nga ay ito ang nakakatulong para mabawasan ang stress at problema pagkagaling sa trabaho ay isang lingkis at yakap lang sa kanilang alagang aso ay napapawi na ang lahat ng pagod.

Ang aso ay isa rin sa pinaka-matalinong aso na tila parehas ng pag-iisip ng tao at kilos tao .

Katulaad nalang ng pangyayari sa isang aso na ito, ayon sa post sa social media ng may-ari ng aso na si Dante Jimenez.

Sa tuwing makakalabas daw ang kanilang aso ay dumadaretso agad ito sa isang ihawan at hindi daw aalis ang kanilang alagang aso hangga’t hindi binibigyan ng may-ari ng ihawan ng isang barbeque.

Kaya naman ang kinahahantungan daw ay pipicturan ng may-ari ng ihawan ang ang alagang aso na binigyan ng bbq at isesend kay Dante ang picture kaya si Dante ang palaging may utang na 20pesos.

Ang ganitong pangyayari ay nakakatuwa dahil kung iisipin na maigi ay para bang tunay na bata ang aso na talagang hindi aalis o hindi titigil kapag hindi binigyan ng pagkaen. Dahil sa post na ito ni Dante marami ang netizen na natuwa at nagpaabot ng komento.

Narito ang naturang post ni Dante;

“Yan alaga nmin c Blu, pag nakalabas ng bahay, deretso sa ihaw ihaw mangungutang ng barbeque, hindi aalis kapag hindi binigyan, pi-picturan ng nag-i-ihaw at i-se-send smin. Ayun lagi may utang 20pesos n barbeque”

Narito naman ang mga komento mula sa mga Netizen.

“galing galing.. madiskarte blu eat now pay later ” – Rhein Advincula

“ANG EMPATH DOG ALAM DN NILA ANG MGA TAONG EMPATH THEY KNOW WHAT YOU FEEL AND EMOTIONS DIALECT NAUUNAWAAN NILA GANUN DN ANG MGA TAONG EMPATH …ANG DOG NA POGI NA YAN AY ISANG EMPATH” -Mary Ong

“Ang galing ni Blu, ingat palagi ha…pagkakuha ng bbq uwi agad …be safe.” -Leila Pablo.

Sa ngayon ay malayo na ang nararating ng nakaka-aliw na kwento ng asong si Blu. Umaabot na ng 16K reactions a 1K comments ang naturang post.

Source: Facebook