Sabi nila, ang trabaho ay hiwalay sa personal na buhay. Ang trabaho ay trabaho lang. Ngunit napaka swerte nga naman ng mga empleyadong may mababait na amo o boss.

Bilang pasasalamat ng amo sa kaniyang mga empleyado, binibigyan niya ito ng mga bonus o kaya man ay gantimpala.

Ngunit ang amo na ito na nag ngangalang Zhongming Yu na chairman at may ari ng kompanya sa China ay taon taon lang naman nagbibigay ng bahay at lupa para sa kaniyang minamahal na empleyado.

Bukod pa dito, tumutulong din siya sa mga problemang pinansyal ng kaniyang mga empleyado at sa iba pang pangangailangan.

Mayroon din silang tinatawag na 10 years assistance plan na magagamit ng mga empleyadong hirap sa buhay.

Ayon sa Rachfeed, ito ay tradisyon na ni Zhongming kada taon. Nagsimula daw ito noong tinulungan niya ang kaniyang dalawang empleyado na kapos at salat sa buhay.

Hanggang sa nakagawian niya na ito na mag bigay ng ganitong gantimpala sa kaniyang dalawang mapipiling empleyado kada taon.

Kaya ganon na lamang ang pagsisilbing tunay ng kaniyang mga empleyado. Pagkat hindi niya ito tinuturing na isang ordinaryong tao kung hindi bukas ang kaniyang puso sa mga ito bilang isang buong pamilya na mag tutulungan at mag hahatakan paakyat.

“ The plan is to provide assistance for some employees in the company who have difficulties within their families such as caring for children and elderly people at home” ika nga niya.