Wala ng ibang mahalaga sa isang Anak kundi ang kaligtasan ng kanilang Magulang at masasabi din natin na walang katumbas ang pagmamahal ng isang anak para sa kanyang mga magulang na siyang nagpalaki at bumuhay sa kanya.

Dahil mula sa pagmulat ng ating mga mata hanggang sa paglaki at matutong maglakad sa sariling paa ay nariyan ang ating mga magulang upang tayo ay gabayan na walang hinihinging kapalit kundi makita lang tayo ay nasa tamang direksyon ng buhay at matuto ng tamang asal.

Kaya naman sa ating pagtanda kasabay din nag pagtanda ng ating mga magulang ay wala din tayong ibang hinangad kundi ang masuklian natin ang kanilang paghihirap mula ng tayo ay isilang.

Kaya naman sobrang sakit lalo sa parti ng isang anak na makita anag kanilang magulang ay inaabuso ng ibang tao.

Katulad na lamang ng nangyari sa Ina ni Camille isang young professional, Matinding sakit at galit ang nabuo kay Camille ng malaman niyang inaabuso pala ang kanyang ina sa isang Nursing Home Facilities.

Ang kanyang Ina na si Helen ay mayroong sakit na Alzheimer`s kaya naman dinala ito ni Camille sa isang Home Facilities para ito ay maalagan at mabantayan sa pag-aakala niya na dito sa Facilities ay nasa tamang kalagayan ang kanyang Ina.

Bago ni Camille dalhin ang kanyang ina dito ay marami ang nagsasabi na ang naturang Nursing Home ay puno ng pagmamahal at pag-alaga sa kanilang pasyente.

Ngunit hindi ganun ang naramdaman ni Camilly matapos makita na mayroong pasa ang kanyang Ina.

Kaya naman ng makita niya na mayroong mga pasa ang kanyang Ina ay nagkabit ito ng isang hidden camera upang makita kung ano ba talaga ang ginagawang pagtrato sa kanyang Ina at kung ano ang tunay na kalagayan nito.

At nang kanyang panoodin ang mga video na nakuhanan sa kanyang tinagong hidden camera, makikita na mayroong empleyado na nagtåtålik.

Kung saan hindi magandang tignan dahil nasa harap pa mismo ang Ina ni Camille at ang malupit pa dito ay nakakaawa ang sinapit ng kanyang Ina matapos pahiran siya ng isang basang tela na puno ng dumi ng tao.

Matapos ang insidente na yon ay napaalis ang mga empleyado at pati mismo ang manager dahil sa hindi maganda at hindi maayos na pamamalakad nito at pakikitungo sa mga pasyente sa nasabing Facilities.

Napag-isipan naman ni Camilly na iuwi na lang sa kanilang bahay ang kanyang Ina dahil doon ay mapapanatag siya na nasa maayos ang kanyang Ina.

Ngunit sa kasamaang palad, Ayon sa balita nga Newsner namatay ang Ina ni Camille na si Helen noong taong 2016 at mayroon siyang 7 anak, at napag-alaman din natin na si Helen ay isang nurse noong World War II.

Samantala, Napaka-laki naman ang naging tulong ni Camille at ng kanyang Ina ni Helen para sa iba pang pasyente . Kung hindi dahil sa kanila ay magpapatuloy ang pagmamåltrato sa mga pasyente na nasa loob ng Facilities.

Kaya naman Hindi lang nakatulong si Camille sa kanyang Ina na namayapa kundi pati na rin sa iba pang pasyente na ganoon din ang sinapit sa mga mapag måltratong empleyado ng mismong Nursing Home Facilities.