Mas lalo pang dumarami ang mga humahanga sa aktres na si Andi Eigenmann dahil sa kaniyang pagiging huwaran sa ibang kababaihan at hands-on mom.

Tinalikuran ni Andi ang kaniyang successful na showbiz career at marangyang buhay sa Metro Manila.

Nais niyang mamuhay lamang ng simple, masaya at tahimik sa isla ng Siargao kasama ng kaniyang nobyo na si Philmar Alipayo at dalawang anak na sina Ellie at Lilo.

Kagaya ng kaniyang pananaw sa kaniyang sarili, nais niya din na tularan ito ng kaniyang dalawang anak na makuntento sa simple at sa kung ano ang mayroon lamang sila.

Bilang isang anak, hindi maiaalis sa kanila ang humiling ng laruan sa kanilang mga magulang ngunit iba ang ginagawa ni Andi sa kaniyang mga anak.

Hindi niya sinasanay ang kaniyang mga anak sa mga mamahaling laruan dahil hindi naman ito kailangan.

Nakamamanghang maski ang kaniyang panganay na anak na si Ellie ay kusang idinonate ang kaniyang mga laruan at magtira lamang ng kaniyang kailangan.

Sa murang edad, ang mga anak ni Andi ay natuto kung paano maging kuntento at magbigay importansya sa lahat ng mayroon sila.

Nito lamang nang namataan si Andi at Philmar sa Siargao na kung saan ay kumakain sila ng street food sa maliit na tindahan.

Makikita sa larawan na si Andi ay komportableng nakaupo sa tabi kasama si Philmar habang kumakain ng kanilang biniling tuhog- tuhog.

Tanging suot lamang niya ay simpleng t-shirt at short habang ang kaniyang buhok ay naka ipit lamang. Hindi maitatangging napaka simple nga ni Andi sa kaniyang pamumuhay ngayon.

Maski sa kaniyang hitsura ay hindi na alintana sa kaniya. Hindi na kailangan pang mag- ayos para lamang masabing siya ay sosyal at maganda.

Ito ang dahilan kung bakit mas madaming sumusuporta at humahanga sa kaniya.