Dahil sa kinahaharap natin ngayon na krisis dulot ng kumakalat na sakit na C0’VID ay mahigpit na pinatutupad ang pagsuot ng facemask at faceshield sa ilang mga lugar na matao at establisyemento.

Kahit sa mga pampublikong sasakyan dapat ay mayroon kang facemask at faceshield na suot-suot.

Ang pagsu-suot ng facemask at faceshield ay makakatulong upang makaiwas sa nakakahawang sakit.

Kahit pa ito ay hindi komportable sa mukha ay kailangan natin tong gawin para mabawasan o bumagal ang pagkalat nito habang wala pang gamot o vaccine.

Samantala, Kung ang iba ay todo ingat at sumusunod sa panukalang pagsu-suot ng facemask at faceshield ay mayroon pa rin mga taong walang disiplina at walang pakialam sa kaligtasan ng iba.

Tulad na lamang ng isang babae na ito na gustong pumasok sa loob ng simbahan ngunit wala itong suot na faceshield at facemask ang pangyayaring ito ay nakunan sa Cebu City.

Sa isang Facebook Page na may pangalangang “Cebu Social Media”, masasaksihan kung paano nagpupumilit napumasok ang isang babae sa entrance ng isang simabahan kahit wala itong suot na facemask at faceshield.

Mapapanood din sa video kung paano pigilan ng security guard ang naturang babae na nagpupumilit pumasok.

Maririnig naman sa video na sinasabi ng security guard na kinakailangan sumunod sa panukala at hindi makakapasok ang walang suot na facemask at faceshield sa loob ng simbahan.

Ngunit nangsabihin ito ng mga guwardya ay dito na ito nagwala at nagsisigaw, Aniya ng babae na security guard lamang ang mga ito at hindi sila ang Diyos.

Samantala, mapapansin din sa video na madali naman nakakapasok ang iba na may suot na facemask at faceshield.

Ngayon ay usap-usapan pa rin ang babaeng ito sa social media at ang naturang post na ito ay nagviral na umaabot na ito ng 2K reactions , 2.5k comments at may 2.1 shares ang nasabing video.

Dahil sa pangyayaring ito iba`t-ibang komento at reaksyon ang nakuha ng babae mula sa mga netizens.

“Dapat hinuhuli kaagad ung mga quarantine violators tulad ni ate, dalhin sa plaza for community service, palimpyohan sa CR, mga tigasin ang ulo”.

“Tigas ng ulo dapat diyan mga kinukulong ng madala mga walang pakialam sa iba”

Narito naman ang naturang video na nagviral sa social media: