Naniniwala ka ba sa tadhana? Tadhana na kung saan sa tamang panahon ay malalaman moa ng sagot sa mga tanong na nanatiling kwestyon sa iyong buhay?

Katulad na lamang ng isang babaeng photographer at law student na si Diana Kim, 30 years old ng O’ahu, Hawaii.

Si Diana ay may malungkot na kwento sa kaniyang nakaraan. Bata pa lamang nang siyang maulila sa kaniyang ama. Huling beses niyang nakita ito noong siya ay sumapit ng ika- limang kaarawan.

 

Nawalan ng komikasyon sa isa’t isa at hindi malaman kung saan naroroon hanggang sa nabalitaan niyang nawala na ito sa tamang pag iisip ngunit hindi matukoy kung saan ito tumutuloy.

Bata pa lamang ay sumasabak na siya sa mga photo essay patungkol sa mga walang matirhan at mga pulubi sa daan. Hindi nagtagal ay ginawa niya na itong proyekto at adbokasiya.

Sinimulang idokumento ni Diana ang mga pulibi sa kanilang lugar pagkat gusto niyang kilalanin at alamin ang talagang araw araw na pamumuhay ng mga pulubi.

 

Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, sa ganitong paraan niya pala muling masisilayan ang kaniyang nawawalang ama.

Habang tinitingnan ang ang mga larawang nakuha, may isang matandang lalaki ang pumukaw sa kaniyang mga mata na tila baý pamilyar sa kaniya.

Nang tinitigang mabuti, napag alaman niyang ito ang kaniyang nawawalang ama ng halos 25 na taon nang nakalilipas.

 

Binalikan ni Diana ang ama sa naturang lugar. Kay bigat ng kaniyang nararamdaman ng mga oras na yon habang tinitingnan ang amang nangangarirang sa payat, marumi at wala sa tamang pag iisip.

Nang kaniyang tanungin, hindi ito sumagot at ang pinaka masakit ay hindi siya kilala ng sarili niyang ama.

Isang babae ang nagmagandang loob upang sabihin kay Diana ang kalagayan ng kaniyang ama na ilang araw na daw itong nakatayo at hindi kumikilos.

 

Halos araw araw niyang binabalik balikan ang kaniyang ama, kinakausap at inaalok nab aka sakaling tugunin ang kaniyang pag tulong.

Noon din ay nalaman niyang may iniindang matinding sakit ang kaniyang ama na tinatawag na schizophrenia at madalas makipagtalo at kausapin ang kawalan.

Inatake sa puso ang kaniyang ama at laking pasasalamat niya sa mga taong nagbigay ng kanilang oras upang tawagan ang mga opisyal na nagdala sa kaniyang ama sa ospital.

Simula noon, nagamot ang kaniyang ama hindi lamang sa kaniyang pangangatawan kundi pati na rin sa kaniyang pag iisip.

Unti unting bumalik sa dati ang kaniyang ama. Kasabay noon ang muling pagbangon kasama niya ang kaniyang buong pamilya. Hindi sumuko si Diana sa kanilang sitwasyon. Laking pasasalamat niya at muling natagpuan ang kaniyang ama.

“So long as we are alive in this world, every day is an opportunity to take hold of that ‘second chance.’ There is no failure unless you give up, and he never gave up. And I haven’t given up on him.”, ani Diana Kim.

Source: NBC News