Ang cute na cute na si Scarlet snow ang palaging bumibida sa mata ng netizens dahil sa charming face nito.

Pero ngayon ay tila nag iba ang ihip ng hangin nang namataan ang “Guest baby sitter” umano ni Scarlet.

Sa IG account ni Scarlet, makikita ang larawan na kung saan ay iginugol niya ang kaniyang buong maghapon sa pag- aaral kung paano mag post at lumakad kagaya ng mga propesyonal na modelo noong siya ay nagbakasyon sa New York kasama ng kaniyang magulang na sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho Jr.

“My guest babysitter @analubabalu is a model here in New York. She’s giving me lessons on how to walk gracefully and how to pose for the camera.” saad niya sa caption.

Ang naturang baby sitter ay si Analu Araujo na isang Brazillian model sa New York na tinuturuan si Scarlet kung paano umanggulo sa camera at lumakad ng sosyal.

Siya ay parte ng popular international modeling agency na Wilhelmina Models.

Sa kabilang banda, nag post din si Analu sa kaniyang IG Account ng larawan na naglalaro kasama si Scarlet. Aniya, ang bata daw na ito ay napaka charming at adorable.

Ayon naman sa isang Youtube account na Avid Fan, ang model dawn a si Analu ay talagang nag papart time job ng babysitter sa tuwing hindi siya masyadong abala sa kaniyang trabaho.