Maraming netizens ang naaliw sa isang viral video ng batang ito na nag nanais na palitan ang kaniyang pangalan dahil nga mahaba ito matapos mapagod sa pagsusulat ang kinder pupil na ito.

Ang netizen na nakilala bilang si Ray Jay Valdez ay ang ama ng limang taong gulang na si Drayven Thomas.

Nitong Nobyembre 25 ay ibinahagi niya sa kaniyang social media ang kuha niyang video ng kaniyang anak na umiiyak habang nagsusulat dahil nais nitong bawasan o palitan daw ang kaniyang pangalan.

Kinausap ni Ray ang kaniyang anak at tinanong kung ano baa ng nais nitong ipalit na pangalan. Sabay sagot naman ni Drayven ng “Gusto ko Boy Valdez. Mas madali nang isulat ang Boy tapos Valdez,”

Mapapanood din sa video kung paano niya isa- isahin ang mga letra ng kaniyang pangalan upang makumbinsi ang kaniyang ina.

“He wrote the numbers from 1 to 100 bago pinasulat sa kanya ‘yung name niya. Kaya po umiiyak yung bata dahil pagod na ‘yung kamay. This video was not posted to harm the child in any way,” ayon kay Ray Jay Valdez.