Ang pagiging isang Beauty Queen ay hindi lamang nababase sa ganda at talino. Kagaya na lamang ng napaka gandang Beauty Queen na ito na nakitang halos idukdok na ang kaniyang sarili sa kalsada upang bigyang pugay ang kaniyang tunay na reyna at ito ay ang kaniyang ina.

Siya ay si Khanitta Phasaeng na nanalo ng most coveted crown of Miss Uncensored News Thailand noong 2015. Nagkaroon din ng komplikasyon ukol sa kaniyang pagkapanalo. Dahil si Khanitta ay may itinatagong sikreto.

Nang mabulgar ang sikretong iyon, mas lalo silang namangha at naniwalang karapat dapat nga ang trono kay Khanitta.

Bago pa man maganap ang nasabing pageant, dinaya niya ang kaniyang application form at sinabing natapos niya ang grade school ng 17 years old.

Ngunit walang sikretong di nabubunyag. Nalaman ng lahat na dinaya ito ni Khanitta at nagsinungaling upang makasali.

Ang totoo ay hindi pa natatapos ni Khanitta ang kaniyang third grade kaya imposibleng nakapasa nga talaga siya sa high school. sa totoong buhay, ang kaniyang ina ay isang garbage collector. Hindi ito ikinakahiya ni Khanitta.

Lahat ng papuri ay itininataas niya sa kaniyang ina.

“Mint” ang tawag sa kaniya ng malalapit sa kaniya. Agad nag viral ang 17 years old na beauty queen kaniyang litratong nakaluhod at yumuyuko sa paanan ng kaniyang ina. Nakikita dito kung gaano niya nirerespeto at tinatanaw ang kaniyang malaking utang na loob sa kaniyang ina.

Lumaki si Khanitta sa kahirapan. Gayun pa man, ginagawa lahat ng kanyang ina para may maihain sa kanilang hapag kainan. Bago pa man siya maging beauty queen, tinutulungan niya itong mangalakal ng basura at saka ibebenta.

Ngayong siya ay ganap nang beauty queen, hindi pa din siya makakalimot lumingon sa kaniyang pinanggalingan.

Sa kabila ng kaniyang pag sisinungaling sa kaniyang application form, mas nakita ng sambayanan at mga hurado ang taglay na kababaang loob at pagka mahabagin.