Sabi nila, ang pag aasawa at pagpapakay hindi madaling desisyon sa buhay. Panibagong yugto ng inyong buhay at pag aadjust sa iyong may bahay kaya naman kinakailangan talaga ng matinding ipunan bilang paghahanda dito.

Hindi maitatanggi na ang ikasal simbahan ay isa sa pinaka memorableng pangyayari sa buong buhay ng isang babae.

Ang makapagsuot ng isang maganda at putting- putting wedding dress habang lumalakad papuntang altar ay higit pa sa pinapangarap ng lahat.

Ngunit tila itong groom na ito ay may pasobrang regalo pa bukod sa magarbong kasal. Tumatagingting na 1 milyong piso lang naman ang kaniyang paunang regalo sa kaniyang misis sa kanilang kasal.

Makikita ang larawan na ibinahagi ng Facebook page na Team Benitez Photo ang napaka gandang bride na may hawak ng bouquet of flowers at ubod ng kapal na “one thousand peso bill” na ay kabuuang halaga na 1 milyong piso!

Talaga nga namang mapapa sana all ka na lang din. “Now that’s a surprise wedding gift!!! Php1,000,000 cash!!! “Sana all” comments in 3, 2, 1, go! Hahaha.” Saad sa caption.

Gayun pa man, hindi naman sa halaga ng pera na kaya mong ibigay ang basehan ng pag aasawa.

Kinakailangan lamang na handa na kayong pareho upang bumuo at bumuhay ng sariling pamilya. At kayang panindigan ang sumpaang magkasama sa hirap at ginhawa.