Ang pagiging online influencer ay isa sa pinaka sikat na trabaho ngayon sa mundo ng online community. Bukod sa pigging sikat, malaki din ang kanilang sinasahod.

Mayroon ding mga endorsement na nagbibigay sa kanila ng libreng products para mag advertise.

Kaya naman, nararapat lang na ang mga influencers na ├Żon ay dapat nag tataglay ng magandang pisikal na anyo para maka attract ng madaming viewers at followers.

Upang maging posible ang mga iyon, minsan ay gumagamit sila ng camera tricks o filter para maging presentable sa manunuod.

Agad namang nag viral ang larawan ng dalawang influencers na ito na kung saan gumulat sa maraming netizens nang makita ang kanilang tunay na hitsura.

Kapansin ppansin ang kaibahan ng dalawang larawan ngunit sa katunayan, ang isa ay edit habang ang isa naman ay ang tunay na kuha sa kanila.

Talaga namang to the highest level ang page edit sa larawan tila ba ginamitan ng magic. Tanging ang mga eksperto lamang ang makakapansin na edited nga ang nasabing larawan pagkat hindi mahahalata ng isang ordinaryong tao ang nabago sa mukha ng nasa litrato.

Malaking katanungan pa din kung bakit nila inilantad ang kanilang tunay na hitsura.

Sabi ng iba, malamang daw ay may nakaalam at nakadiskubre na ng kanilang sikreto kaya naman mas mabuti nang sakanila na lang mismo manggaling ang katotohanan.