Hindi natin maitatanggi na mayroon tayong mga kababayan na mpanamantala sa ating kapwa ano pa kaya sa mga dayuhang nais manatili sa ating bansa? Madami ang nag aakala na porket galing sa ibang bansa ay maraming pera.

Nakakalungkot isipin na may ibang Pilipino ang bihasa na sa panloloko.

Naging insipirasyon para sa lahat ang dayuhang si Anselm, 26 taong gulang na nagmula sa Wales sa United Kingdom.

Taong 2016 pa lamang ay paulit- ulit na siyang naloko ng ating mga kababayan. Nag desisyon kasing mamalagi na sa Davao City si Anselm matapos makapangasawa ng isang Filipina

Nais niya sanang magsimula ng negosyo dito ngunit wala siyang napala kung hindi panloloko. Hindi doon natapos ang pagsubok ni Anselm nag simula siyang bumangong muli at nag simulang magpundar ng sariling negosyong fishpond kahit na wala itong kaalam alam kung pano ito patakbuhin.

Kinakailangan niya kasi ng pera upang mabuhay ang kanilang binuong pamilya ng kaniyang asawa. Ilang buwan siyang nag sanay sa panghuhuli ng isda, kung paano mamangka at kung paano ito maibebenta.

Nagtiis din siya sa maliit na barong- barong malapit sa kaniyang fishpond upang makatipid sa pamasahe. Ininda niya ang walang kuryente at maayos na daloy ng tubig.

Taong 2019 ng Oktubre nang nakapag harvest na siya ng mga alimango ngunit malaki ang nalugi sa kaniya. nitong Pebrero naman ay bangus naman ang kaniyang sinubukan at lumago ito ngunit dumating ang pandemya kaya naging mahina itong muli.

Sa layo ng narating ni Aslemkapalit ng kaniyang matinding pagsasakripisyo, hindi niya na iisipin pang sumuko at nanaisin niya na lang magpatuloy hanggang sa makaahon