Malapit na naman sumapit ang pasko kaya naman ngayong buwan ng Disyembre ito ang pinkahihintay ng mga empleyado dahil ito ang buwan na bigayan ng mga 13th , 14th month bonus.

Tuwing sasapit ang buwan na ito ay lahat ay abang na abang sa mga bonuses na ibibigay ng ating mga boss dahil sino nga ba ang ayaw ng bonus?

Siyempre lahat ay may gusto nito para may magamit na pera ngayong kapaskuhan at magbabagong taon.

Kaya naman kung hindi ka pa nakakatanggap ng bonus ngayon ay mapapa-sana all ka nalang sa isang empleyado na nakatanggap ng malaki-laking Christmas Bonus mula sa kanyang napaka galante at mabait na Boss.

Merry na talaga ang magiging Christmas ni Lennie Anne Elorde matapos siyang makatanggap ng tumatangginting na $2000 o halos P100,000 na bonus mula sa kanyang Boss.

Sobrang pasasalamat naman ni Lennie sa kanyang boss dahil kahit nagsisimula pa lamang siya at 4 na buwan palang sa kanyang trabaho bilang CSR/Onboarding Specialist ay agad siyang nakatanggap ng malaking pamasko.

Kwento ni Lennie, Nababahala pa daw siya nung una matapos siyang tanungin ng kanyang kliyente kung gaano na siya katagal na nagta-trabaho sa kanilang kompanya, Inakala niya na baka siya ay patalsikin at palitan sa kanyang posisyon.

Subalit , kaya pala natanong ng kanyang kliyente kung gaano na to katagal nagtatrabaho ay dahil natuwa ito sa pinakitang kasipagan at galing sa pagtatrabaho.

Kaya naman labis ang tuwa at pasasalamat ni Lennie at hindi makapaniwala na nakatanggap siya ng ganon kalaking pera.

Sa pagtatrabaho ng isang tao isa sa mga hinahanap ng empleyado bukod sa gusto niya itong trabaho ay ang pinakamahalaga ay ang pamamalakad ng kompanya para sa mga emplayado at mga benipisyo na makukuha dito.

Kaya naman para kay Lennie ay swerte na siya sa kanyang trabaho dahol bukod sa gusto niya ang kanyang ginagawa ay sumasahod pa siya ng higit pa sa inaakala niya

Kaya naman sana ay maging inspirasyon ang kwento ni Lennie para sa ibang nga kapwa niya empleyado, wag panghinaan ng loob at magsumikap sa trabaho

Narito naman ang kabuuang kwento ni Lennie:

“Yesterday, tinanong ako ni client kung kelan ako nagstart sa kanila. Medyo kinabahan ako ghorl, baka kasi gusto na nila akong palitan. On the contrary, tapos na pala yung ’sana ol’ days ko.

I’ve been working with my client for almost 4 months as a CSR/onboarding specialist and I really enjoy my job. Sa mga beginners, tyaga lang, dadating din kayo dyan.

I’m still in awe. #ChristmasCameEarly