Marami sa atin ang nangangarap na magkaroon ng kasintahan na may ibang lahi o dayuhan. Ang iba ay naniniwala na ang kabiyak ng kanilang puso ay nasa ibang bansa.

Hindi naman imposible ang mga ganitong pang yayari. Madalas ay pinagtatago panahon kung kailan parehong nag babakasyon.

Hindi maiiwasan na sabihin ng iba na pera lamang ang habol sa mga dayuhang kapareha ngunit madami din ang nagpapatunay na hindi lang ito tungkol sa pera kung hindi sa pagmamahal na nadarama.

Nakakalungkot nga lang malaman ang sinapit ng Argentinian national na si Henry Gonzales na kung saan nagmistulang palaboy sa Kidapawan City matapos lokohin ng kasintahang Pinay.

Walang kahit anong natira sa kaniya maski sariling face shield at mask na sobrang importante ay hindi siya makabili upang maproteksyunan ang sarili.

Naki- usap ang concerned netizen na si Ivan Talimio Lising na kung makita man daw ito sa daan, nawa ay bigyan siya ng kaunting tulong o hindi kaya man maliit na donasyon.

Narito ang kaniyang post:

“Hi sa mga friends natin sa Kidapawan City, baka naman matulungan natin makauwi o mabigyan man lang pang kain pang araw araw si sir. Sya si Henry Gonzales, isang Argentinian national na napadpad dito sa Kidapawan City.

Naloko daw sya ng pinay partner nya kaya sya nagka ganyan. Nakakalungkot naman po lalo pa pand3mic ngayon, wala syang perang pangkain sa araw araw. Sana mabigyan din po sya ng mask or anything na maka help sa kanya para maka iwas sa bayrus.

Sa mga friends po natin na makakakita sa kanya, baka naman po sana maabutan sya ng konting tulong. Salamat and godbless.”