Ginang na pera lang ang habol sa ninong at ninang ng kaniyang anak, hindi itinuloy ang pagkuhang ninang sa isang babae dahil siya ay isang service crew.

Nakakalungkot mang isipin na ang ibang mga Pilipinong magulang ay iniisip na ang mga ninong at ninang ay ang kanilang mahuhuthutan ng pera para sa kanilang mga anak.

Kumukuha ng mga mayayaman at may magagandang trabaho pagkat naniniwala silang mas malaki ang bigay ng mga ito.

Ang mga ninong at ninang ay ikalawang magulang at katuwang sa pagpapalaki ng kanilang mga inaanak.

Maaaring magbigay ng regalo o pera ngunit dapat marunong tayong makuntento sa kung ano lang talaga ang kaya.

Isa na naman post ang nag viral na kung saan inakala ng ginang na sa office nagtatrabaho at malaki ang sahod ng kaniyang kukuhaning ninang ng kaniyang anak.

Mababasa dito kung paano niya minaliit ang kaniyang magiging kumare na hindi naman pala din niya kaclose sa totoong buhay.

Ayon pa sa ginang hindi daw siya kumukuha ng mga ninang na hindi maganda ang trabaho nang sa gayon kapag may kailangan ang kaniyang anak ay madali lamang itong makapag bibigay.

“Ginawa mo pang business yang anak mo. Kawawa sayo. Di ka sana nag-anak kung iaasa mo lang sa mga ninang/ninong ang pangangailangan ng anak mo,” sabi ni Kath.

Narito ang kaniyang caption: “AYAW KAY NINANG NA CREW.jpeg

Di ako mahilig magpost ng mga ganito, pero ang funny lang kasi kung paano ka mang-degrade knowing na UMAASA ka lang naman sa maibibigay ng mga future godmother/father ng anak mo. Kawawa sayo.

P.S Ayaw rin kitang maging kumare kasi wala kang pera”