Tindera, naka-ipon ng P160,500 matapos gawing negosyo ang pagtitinda ng ice candy.

Naging inspirasyon para sa marami ang post ng isang ginang sa kaniyang social media na kung saan kumita siya ng limpak-limpak na pera sa pamamagitan lamang ng paggagawa at pag titinda ng ice candy.

Siya ay nakilala bilang si Riz Red Moreno. Hindi lamang doble o triple ang balik sa kaniya ng kaniyang puhunan kung hindi libo- libo ang bumalik sa kaniyang sipag at pagta-tyaga.

Ayon sa kaniya, araw- araw siyang gumagawa ng ice candy habang siya ay nagbabantay ng kanilang tindahan.

Ito ay may flavor na manga at buko na nagagawa niya ng dalawang kaserola na kayang gumawa ng 165 pieces na ice candy namaibebenta ng limang piso kada isa.

Kung tubo naman ang pag uusapan, mayroon siyang 800 pesos katumbas ng dalawang kaserolang kaniyang nagawa

Ang pamamaraan ng kaniyang pag- iipon ay itatabi niya ang 500 piso sa kaniyang alikansya at 300 naman ay para sa pambayad ng kuryente. Hindi niya namalayan na malaki na pala ang kaniyang naipon.

Maski siya ay namangha sa labis-labis na pera na ito. ibinahagi niya sa kaniyang social media ang tagumpay na kaniyang nakamit at hinikayat ang iba na magsimula na rin.

“Mga ka peso ito napo ang ipon ko sa luob ng isang taon katas ng ice candy, mga ka peso habang nagbabantay ako ng aming tindahan gumagawa ako ng ice candy araw araw maliban nalang kung masama ang pakiramdam ko o kaya eh may bagyo hindi ako maka gawa, ang ginagawa ko sa luob ng isang araw dalawang kaserola isang mangga at isang buko, bawat kaserola ang nagagawa ko eh 165 pcs tapos ang benta ko 5 pesos isa kaya ang lumalabas na 825 pesos, sa isang gawaan ko tumutubo ako ng 400 pesos eh dalawang gawaan yun kaya lumalabas ang tubo ko eh 800 pesos, kaya yung 500 hinuhulog ko sa lata at yung 300 nman tinatabi ko ang bayad sa koryente, tuwang tuwa ako kase sa pag tyaga ko naka ipon ako ng 160,500 peso, kaya sa ga nanay kahit nasa bahay lang kayo kaya nyo rin makaipon sipag tyaga lang talaga at disiplina pag datin sa pera, maraming salamat po at sana maging inspirasyon itong ipon challenge ko nato, thank you po at happy new year sa inyung lahat.”