Naging sunod-sunod nga naman ang mga naging pasilip natin sa mga magagarang bahay ng mga ini-idolo nating mga artista na pinagsumikapan din.

Ngayon, silipin din natin ang bunga ng pagsisikap ng isang netizen na kanyang ibinahagi upang makapag inspire ng mga tao na makapagpatayo din ng kanilang sariling bahay.

Simple at isang home sweety home ang naipatayo ni Chang Villacuer Alipio at ng kaniyang pamilya sa Dagumbasan, Bukidnon.

Ayon kay Chang, sariling sikap talagang ang pagpapatapos nila ng kanilang bahay. Nagtatrabaho sa Gas station ang kanyang asawa.

Sa sipag at tiyaga ay naipatayo at natapos na rin ang kanilang Dream House. “Salamat sa lahat nakaka-inspired po yung mga likes at comment, shared, sa mga nagtatanong kung magkano na po ung nagastos namin nito mga 150 mahigit kc ung mga kahoy na gamit dito samin my bukid kami my mga tanim kahoy.

Kaya naka-least kami sa kahoy, kaya kunti nalang binili namin,” saad ni Chang. Umabot daw sa halos 150K pero hindi ito biglaan dahil unti-unti nila itong itinayo dahil wala silang ganung kalaki na halaga.

“Wala nman kaming malaking budget kaya una po ginawa namin nagpakabagas ng kahoy kapag may pera na ulit ung bub0ng naman hallowblack at cemento hanggang sa mapatayo namin ang bahay namin pa unti-unti namin hanggang sa ganyan na po. Ipon pa ulit para sa kisame at double walling” kwento pa niya.

Talaga nga namang nakakamangha ito. Ngayon makikita na gawa na ang lahat ng bahagi ng bahay. Mula bubong hanggang flooring ay pulido ito.

“Sa awa ni PAPA GOD nde niya kami pinabayaan, Kaya sa may balak maka bahay walang impossible kung gostohin kami nga na simple lang buhay namin dito nakaya namin sana dyan sa post namin bahay may nakuha kayong mga ideas.

Simple lang bahay namin kc simple lang talaga kami ok na,” dagdag pa niya. Samantala, Kumakalat na ito sa social media na may 37k likes. Kinabibiliban naman talaga ito at nagiging inspirasyon sa iba.