Sa panahon natin ngayon hindi na mawawala ang mga taong sarado ang pag-iisip at makikitid ang utak na kahit wala ka namang ginagawang masama sa kanila ay talagang may masasabi sila sayo at tila hindi gusto ang iyong ugali at kung minsan ay kinaiinisan at kinaiingitan ka pa.

Lalo na ngayon na nuuso ang pagpopost sa social media tulad ng iyong mga status, iyong kinakain at ang iyong mukha. Ito ay tinatawag na “My Day” kung saan halos lahat ng gumagamit ng social media application ng facebook at messenger ay maaring makita ito at minsan ito rin ay pinagmumulan ng away dahil may mga taong patagong naiinis at nagseselos sayo.

Katulad na lang ng isang kwento at post na talagang pinag-usap at nagviral sa social media. Ito ay post ni Aleck Justine Villena kung saan nakahiligan niyang gumamit ng messenger at mag “My Day” ng kanyang mukha ngunit hindi niya akalain na may nagagalit na pala sa kanyang ginagawa.

Sa ipinost na larawan o screenshot ni Aleck sa kanyang facebook makikita dito na nagkomento ang isang lalaki dahil ito ay nagagandahan sa kanyang ipinost na picture at ito naman ay kanyang nireply dahil siya nagpapasalamat.

Lalaki : “Ang ganda mo ️,”

“Kamukha mo si kathryn,”

“Pwede bang makipagclose?,”

“Pati mata mo ang ganda grabe,”

“Ate ang ganda ,”

Subalit nagulat na lang si Aleck sa mga sumunod na message sa kanya tila ang mga message ay galit na galit sa kanya at pinapatigil pa siya mag “My Day”, Yun pala aygirlfriend na ito ng lalaki na unang nagchat sa kanya.

Halatang-halata sa girlfriend na lalaki ang galit at selos kay Aleck dahil sa mga message na ipinaabot ng boyfriend nito dahil hindi rin maitatago na hawigin talaga siya ng sikat na artistang si Kathryn Bernardo.

Narito naman ang ilang palitan ng message ng Girlfriend ng lalaki at ni Aleck:

Girl : “GIRL ANG KAPAL NAMAN NG MUKA MO! KUNG PWEDE LANG WAG KANANG MAG MY DAY NG MUKHA MO KASI NAKAKASUKA LAGI KANG NAGPAPAPANSIN SA BOYFRIEND KO KAYA HINA-HEART NAMAN ANG TOXIC MO GIRL KAHIYA KA KALA MO NAMAN MAGANDA KA.”

Aleck : Account ko po ito ate, gusto mo po ba mukha mo i-myday ko?

Dahil sa nasabing post na naging viral sa social media marami naman ang netizen ang nakakarelate sa nangyari kay Aleck at ang iba pa nga ay nagbigay ng kani-kanilang komento at opinyon ukol dito. Ang iba ay tuwang tuwa sa naging sagot ni Aleck sa babaeng selosa at galit na galit.

Komento ng mga netizens:

“Bug*k dapat ang pinag sasabihan niya boyfriend niyang timer. hahaha” – Matthews Capanayan.

“Yung mga ganitong jowa dapat binibitin patiwarik tapos hiwalayan HAHAHA” – Kathelyn Ocampo.