Sa isang balita kahanga-hanga ang isang aso sa lugar ng Southern Cebu bayan ng Magcagong, Sibunga.

Matapos humingi ito ng saklolo sa mga tao upang sagipin ang isang sangg0l na itinap0n sa isang dump site sa naturang lugar na tila bagong silang.

At buti nalang ay may isang motorcycle na saktong dumaan sa lugar at napansin ang kakaibang kinikikos ng aso.

Ayon naman sa inilibas at ibinahagi sa social media na ulat ng “The Freeman”, Tinatahak umano ng motorcycle rider na si Junrell Fuentes Revilla ang kahabaan ng barangay Magkacong gamit ang manyang motorsiklo bandang 11 ng umaga nito lang disperas ng Pasko, Disyembre 24.

Kwento nito Junrell napansin daw niya ang isang asong kalye na sa kanya ay sunod ng sunod at tila balisa at tahol ng tahol na wari niya ay gustong makuha ang kanyang pansin ng asong ito.

Kaya naman agad huminto si Junrell upang sundan ang aso na napatungo sa isang direksyon na madamong lugar kung saan malapit sa dump site.

Nang makarating si Junrell at ang aso sa dump site ay laking gulat niya ng bumungad ang isang sangg0l na lalaki na nakabalot pa sa isang brown na tuwalya.

Ayon pa kay Junrell tingin niya ay bagong panganak lamang ang sangg0l dahil naka-kabit pa daw ang umbilical cord nito st ang bahagi ng placenta na nakalagay sa isang plastic bag.

Dinala agad naman ni Junrell ang nasabing sangg0l sa pinakamalapit na ospital upang ito ay matignan agad.

Ipinaalam din agad ng staff ng ospital ang insidenteng ito sa pulisya sa pamumuno ni Police Master Sergeant Venus Tampos ng Sibonga Police Women and Children Protection Desk.

Ang ibang pulis naman ay naggawa agad ng occular inspection sa nasabing lugar na pinag-iwanan ng sangg0l ito ay sa pangunguna ni ACOP PMAJ Jomar Anoba Medil.

Sa mga oras na ito ay nasa ligtas ng kalagayan ang sangg0l at ito ay nasa pangangalaga na ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).

Ngayon ay pinaghahanap narin ng mga otoridad ang ina ng sangg0l upang puntahan at kunin ang kanyang anak at ng sa ganon ay maging responsable itong magulang sa kanyang anak.

Hinihinikayat din ng mga Kapulisan ng Sibonga ang mga mamayan dito na makipag tulungan sa kanila at ipaalam sa kanilang tanggapan ang anumang impormasyon tungkol sa ina ng bata o kung mayron silang nalalaman na bagong panganak na ina sa kanilang mga lugar.

Pahayag pa ni PMSgt. Tampos, kamakailam lang daw ay nagsagawa sila ng house to house visit sa kanilang bayan upan magbigay ng kaunting paalala sa mga residente ng Sibonga tungkol sa “Teenage Pregnancy” at kung paano ito maiiwasan.

Samantala, mabalik naman tayo sa Bayaning Aso, naglabas ang Sibonga Police ng larawan ng nasabing Aso kung saan ay isa ito sa limang aso na madalas na umaaligid sa Dumpsite.

Pinuri naman ng mga ka-pulisan ang naturang aso dahil sa pagmamalasakit nito sa sangg0l kahit ito at aso marahil daw ay kung hindi ito napansin ng aso ay hindi na ito nadatnan pang buhay at maari daw na ito ay kainin ng ibang asong gala sa nasabing dump site.

Dahil sa pangyayari na ito ibat-iba ang naging komento at reaksyon ng mga netizen ukol sa pangyayari.

Ang iba ay nagagalit sa Ina ng sangg0l na iresponsable at ang iba naman ay nagpasalamat sa aso.

Narito sa baba ang ilan sa mga naging komento ng Netizen,

“How I wish the dog who saved the baby should be recognized and awarded… especially giving him home and care. When we will value the dog’s heroic deeds. kanus-pa man.

Ngano pangitaun ug tawagan pamang inahan gilabay naman gani na…Aron ilabayg usab. Please take time to take care the dog.”

“We never know what the story behind with his mother but God has a reason why He let this child live. l pray for this child to have a loving home and the dog as well.”

“Buti pa ang Aso may Puso! Yung nanay nung sangg0l walang puso! Ansakit lang makita si baby na ganon sa makahanap siya ng maayos na magulang na tunay na mag mamahal sa kanya”