Wala nang ibang sagot pa sa kahirapan kung hindi ang pagiging pursigido sa pag aaral o kaya man ay dedikasyon sa pagtatrabaho.

Ang pagkakaroon ng maunlad na buhay ay naka depende sa ginawang diskarte at paraan ng tao.

Kagaya na lamang ng Youtube Vlogger na ito na kamakailan ay ibinahagi niya ang kaniyang kwento sa “Kapuso Mo, Jessica Sojo”.

Ang dating pananaw na ang pamumuhay niya at ng kaniyang pamilya ay mananatiling nakalubog, ngayon ay napalitan na ng pag- asa mula nang makita niya ang mga bunga ng kaniyang pag pupursige sa kaniyang mga vlogs.

Siya ay si Mark Joseph Cunanan o mas kilalang Macki Motto na mayroong 142,000 subscribers. Saad niya, nang makatapos siya ng high school ay nag desisyon na siyang makipag-sapalaran sa Maynila para makapag ipon ng pera para sana sa kaniyang inaasam na motor.

Ngunit hindi siya nagtagumpay pagkat ang kaniyang sahod ay napupunta lamang sa pambayad sa upa.

Bumalik siyang muli sa Nueva Ecija at doon siya nag trabaho bilang tricycle driver at construction worker habang ang kaniyang mag- iina ay naiwan naman sa Maynila.

Hindi pa din naging sapat ang kaniyang pera pang tustos at makaipon kaya naman ginawa niya ang “Ipon Challenge” sa kaniyang vlogs ngunit mas sumikat siya nang sinimulan niyang ivlog ang kaniyang totoong pamumuhay sa probinsya kagaya ng pagtatanim at pagluluto

Ang halaga ng kaniyang unang sahod ay eksaktong P48,458. Sa kasalukuyan ay kumikita siya ng 40,000- 50,000 pesos lang naman.