Nakakalungkot pagmasdan ang isang larawan tungkol sa kalagayan ng isang lalaki na nagviral sa social media.

Ang nasabing post at mga larawan ay ibinahagi ng netizen na si Jelly Yanong Balaod tungkol kay Kuya Randy na ulila na at wala ng kasama o mahal sa buhay.

Ang kaawa-awang si Kuya Randy ay nakatira lamang sa ilalim at masukal na malaking bato.

“Masakit makita si tatay na ganyan ang higaan Taga brgy. Minapasok Calatrava Negros Occidental po siya wla na pong pamilya at sa ilalim ng bato siya natutulog” pagbabahagi ni Jelly.

Pagpapatuloy pa ng kwento ni Jelly, Tanging sa basurahan lamang kumukuha ng makakain si Kuya Randy kaya naman talagang maaawa ang kahit sinong makakita sa kalagayan ni Kuya.

“Namumulot lang po siya ng basura para makakain sobrang awa po ni tatay kasi paano pag my bagyo, malakas ang ulan o kidlat? kawawa namn po.. calling all my friends, Fb friends hihingi po ako ng tulong nyo para kay tatay.” Pahayag ni Jelly.

Ayon pa kay Jelly, nung una pa raw nilang makita si Kuya Randy ay nahihiya itong lumabas mula sa bahay nitong bato dahil sobra daw itong mahiyain lalo na kapag maraming tao kaya naman pinilit pa nila itong lumabas upang makausap ng maayos.

“Ayaw daw lumabas ni kuya randy kasi sadyang mahiyain po sya pag may maraming tao, kaya nagdesisyun kami ma pumunta at kinausap ko siya na lumabas kahit saglit kasi may sasabihin at makikipag usap kami sa kanya, at thank GOD lumabas siya, at nakausap namin.” ayon kay Jelly.

Dagdag pa ni Jellyn, Ayon daw sa kanilang mga pag-uusap ay tila nagkaroon umano si Kuya Randy ng pagkamatatakutin o “Phobia” dahil sa mga naging karanasan nito sa huhay dahil minsan daw ay hindi ito makausap ng matino at may mga salitang binabanggit na hindi maintindihan.

Narito naman ang kabuuang post ni Jelly na nagviral sa Facebook:

“Hyssss Masakit makita c tatay na ganyan ang higaan Taga brgy. Minapasok calatrava negros occidental po siya wla na pong Pamilya sa ilalim ng bato sya natutulog.

Namumulot lang po siya ng basura para makakain subrang awa po ni tatay kasi paano pag bagyo? malakas ang ulan, kidlat? kawawa namn po calling all my Friends, Fb friends hihingi po ako ng tulong nyo para kay tatay any amount will do as long as makakain nang hustu at makatulog nang mahimbing c tatay para sa Safety lang po ni tatay sana.”

Pinuntahan talaga namin yung lugar nya kasi sabi ng naunang pumunta doon ay ayaw daw lumabas ni kuya randy kasi sadyang mahiyain po sya pag may maraming tao.

Kaya nagdesisyun kami na pumunta at kinausap ko sya na lumabas kahit saglit kasi may sasabihin at makikipag usap kami sa kanya at thank GOD lumabas sya at nakausap namin.

Base sa kwentuhan namin parang dumanas ng nrvous brekdown si kuya, kasi dami nyang kinwentung mga nadaanan nyang karahasan sa buhay, taga sitio VERGARA,BRGY BUG-ANG,TOBOSO PALA talaga sya.

Hindi mo sya makausap ng maayos kasi dami nyang ibang kwento, at pinakita ko sa kanya mga dala namin groceries.

Para sa kaalaman nyo ang mga groceries d ko nilagay sa mismong tutulugan nya kasi wala talaga syang alam ano ang mga iyon baka kainin lng na hilaw, kahit inumin pag bibigyan mo sya uubusin kaagad, kay sa day care worker ng minapasok ko binigay kasi sila naman ang araw araw na bumibisita kay kuya para mainumin ng gamot at pakainin. SALAMAT PO SA LAHAT NG TUMULONG. GOD BLESS ”

Sa nais pang tumulong na nasa malayo, puide nyu masend sa gcash ko: GCASH “Apolonio D. Macadaya 09770161172”

Samantala , sa isang araw na nagdaan matapos mag viral ang post ni Jelly tungkol sa kalagayan ni Kuya Randy ay kaagad dumagsa ang tulong mula sa mga mabubuting netizen. Basahin sa ibaba ang mga sumunod na nangyari.

“Update po sa lahat ng mga Donations para kay Kuya randy di ko napo kayu ma isa-isa Pero maraming salamat po, sa lahat ng Tumulong kay kuya randy at sa mga tumulong Pa , Pagpalain po kayo ng ating mahal na Panginoon

Aasahan nyupo mapupunta to lahat kay kuya randy lahat ng tulong nyo po Godbless everyone and Keep safe Always” saad ni Jelly.

Source: Jelly Yanong Balaod