Bakit nga naman bap ag dating sa pag- ibig ay hindi na alintana ang estado sa buhay, edad, kasarian, kung gaano ka bilis o katagal.

Maging ang iyong nakaraan ay ipagsasawalang bahala mo na lang basta makasama mo lang ang taong minamahal at nais mong makasama sa pang-habang-buhay.

Kagaya naman lamang ng isang aktres na si Emmy Abrahamson na kung saan pinatunayan sa buong mundo na posibleng magkatotoo ang pag mamahalan ng isang mayamang babae at lalaking lugmok sa buhay.

Pinatunayan niya na ang dalawang taong may magkaibang mundo ay maaaring magpakasal at mabuhay ng masaya.

Si Emmy ay isang edukadong aktres na nag mula sa isang mayamang pamilya. ang kaniyang ama ay isang sikat na journalist at ang kanilang buong pamilya ay madalas lumilibot at namamasyal sa iba’t ibang lugar.

Dahil doon, nakilala niya ang isang lalaking hindi niya inakalang kaniyang magiging asawa.

Si Vic ay 36 anyos na lumaki sa Toronto, Canada. Ang kaniyang ama ay isang bricklayer habang ang kaniyang ina ay isa lamang taga linis.

Siya ay naglakbay sa Europe hanggang siya ay mawalan na ng pera at nagsimulang mamuhay sa kalsada. Doon din siya naging alc0h0lic at nalul0ng sa ipinagbabawal na gam0t.

Saad niya “There was this beautiful woman sitting there by herself and she looks super content, with a smile on her face. I just had to go and talk to her”

At nag ipon nga siya ng lakas ng loob upang lapitan at kausapin si Emmy na nakaupo sa isang bench sa Amsterdam Park habang nag aantay sa kaniyang Film Director

Ayon kay Emmy, bagaman 10 minuto lang ang tinagal ng kanilang usap ni Vic, ito daw ay isa sa kaniyang pinaka masayang moment at sumang ayon siyang makipag kita muli kay Viv at magkaroon na ng opisyal na date.

Isinantabi ni Emmy ang katotohanan na nahuhulog na ang kaniyang loob sa isang pulibi. Sa katunayan ay tinulungan niya itong bumalik sa dati, nag aral muli at nakapag tapos. Ngayon ay isa nang professional mechanical engineer si Vic.

Sa hindi pangkaraniwang pagmamahalang ito, hindi man ginustong mangyari ngunit may kinailangan masakripisyong pagkakaibigan si Emmy.

Nawalan siya ng dalawang kaibigan dahil sa kaniyang pakikipag relasyon kay Vic. Ngunit kung titingnan mo kung gaano siya kasaya sa piling kaniyang asawa at dalawang anak, hindi maitatangging siya ay walang pinag sisisihan sa kaniyang desisyon.

Gayun pa man, umaasa siya na balang araw ay maghihilom ang lahat at babalik sa dati ang kanilang pagkakaibigan.