Ang mga plastic bottles ay maaari nating i-recycle sa iba’t ibang paraan na ating maaiisip. Ngunit ginulat ng lalaking ito ang lahat dahil sa ginawa niya sa mga container.

Si Richart Sowa, isang environmentalist at architect, ay bumuo ng sarili niyang artificial floating island gamit ang magihit 150,000 recycle water bottles.

Ang 61 taong gulang na lalaking ito ay komportable na ang buhay doon simula taong 2008.

Taong 2005 nang itayo ni Richart ang kaniyang unang floating paradise ngunit winasak ng masamang kondisyon panahon kasama ng kaniyang ginawang second islet na tinawag na “Spiral Island”.

Hindi napigilan ng dalawang nakaraang pagsubok ang pagtatayo ng pangatlo sa lagoon.

Sa tulong ng ilang mga karpintero, itinayo ni Sowa ang matibay na pundasyon na may 25 metrong haba na isla na kayang lagpasan ang bagyo.

Ginawa nila ang frame na gawa sa bamboo at pinuno ng mga wood pellets at buhangin. Saka nila ikinabit ang libo- libong plastic containers na puno din ng hangin.

Binigyan nito ang nasabing lupa ng sapat na buoyancy para masuportahan ang bahay at ang lahat ng nakapaloob dito.

Sa nakalipas na 7 taong paghihirap, nakumpleto na niya ang kaniyang sariling paraiso na kaniyang tinawag na Joyxee Island.

Binuo din ni Richart ang 3- story na bahay na gawa naman sa shells na mayroong dalawang kwarto, kitchen, 3 showers at wave- powered washing machine.

Mayroon siyang 100 ft cable na konektado sa baybayin na nagbibigay ng solar electricity, tubig at internect access sa man-made isle.

Si Sowa na lumaki sa Middleborough, Yorkshire ay nangolekta ng ulan mula sa umaagos na tubig na tumatagas sa mga kabibe.

Mayroon din siyang malinis na pool para sa pagligo at isa pang pool bilang hot tub. Mayroon din mga itinanim na fruit-trees, edible herbs at iba pang halaman si Sowa upang mayroon makain dito.

Taong 2014 nang makilala ni Sowa ang Japanese supermodel na si Jodi Bowlin sa Facebook at inimbitahan siyang tumira sa islang kaniyang ginawa.

Agad namang nakuha ni Jodi ang pamumuhay ni Sowa doon kaya naman ito din ang nagtulak sa kaniya upang mas pagandahin at palaguin ang Joyxee.