Habang ang mga influencers ay abala sa pag-iisip at pagsasagawa ng kanilang mga content sa kanilang Youtube Vlogs para lamang malibang ang kanilang manunuod at dumami ang subscribers, ang ginawa ng lalaking ito ay kabaliktaran nilang lahat.

Nagupload lamang siya ng 2 oras na video na kung saan siya ay nakatunganga lang at walang ginagawa.

Siya ay si Russell Peters, isang vlogger at komediyante. Mayroon siyang Youtube account na Sobat Miskin Official na kung saan pinag-uploadan niya ng kaniyang hindi inaasahang video na kung saan malabong gawin ng karamihan.

Nasa loob lamang siya ng isang kwarto, nakasuot ng itim na t- shirt habang nakaupo sa gilid ng kaniyang kama at nakatitig lamang sa camera sa loob ng dalawang oras.

Sa unang tingin ay maiisip ng iba na may mangyayari sa naturang video dahil nga sa haba nito.

Ngunit sa ilang segundo ng panunuod sa video, hindi man lang kumikilos ang lalaki.

Lumalabas na sa buong durasyon ng video ay wala talaga siyang ginawa na kahit na ano kung hindi magpapalit palit lang ng posisyon kung siya man ay nangangawit.

Ang tila walang ka-kwenta kwentang video na nakakaaksaya lamang ng oras ay umani ng 900k views!

Sino nga naman baa ng mag aakala na ang ganitong video ang tatangkilikin ng mga tao. Halo- halong reaksyon ang natamo ng video na ito.

Gayun pa man, paniguradong kumita si Russell sa kaniyang ginawa na ito.