Lahat tayo ay mayroong kinatatakutan katulad ng pagkatakot sa mga hayop o di kaya ay mga matataas na lugar o kaya naman ay mga lugar na madidilim tulad ng haunted house.

Sino nga ba ang hindi matatakot sa isang “haunted house” na ang pagkakaalam ng lahat na di umano ay puro multo ang nakatira dito at mga ispirito na pagala-gala dito at pinoprotektahan ang naturang lugar.

Kaya naman kung ikaw ang tatanungin kakayanin mo bang pumasok sa isang haunted house na puno ng mga ispirito at multo?

Katulad ng ginawa ng isang lalaki sa saudi arabia na naglakas loob na pumasok sa isang haunted house na kilalang kinatatakutan sa nabanggit na bansa.

Kamakailan nga viral at kumalat sa ibat-ibang social media ang video ng isang Muslim Paranormal Expert na hindi nag dalawang isip at walang tako na pumasok sa isang haunted house sa Saudi Arabia.

Ang kumalat na video na ito ay ibinahagi sa Facebook ng netizen na si Jeremy Pandapatan Solaiman.

Sa kanyang video na in-upload maririnig at makikita kung paanong buo at malinaw na idinitalye ng nasabing paranormal expert ang kanyang pagpunta sa bawat bahagi ng nasabing haunted house.

Maririnig din sa video na mayroong mga salitang binibigkas ang paranormal expert na paraan daw nang pagpapalayas at pagtaboy sa mga espirotu sa naturang bahay.

Narito naman ang naturang post ni Jeremy na may caption na:

“Isang Muslim Paranormal Expert ang Walang takot na pinasok ang isang Haunted House sa Saudi Arabia. Subrang nakakatakot ang nasaksihan nyo doon. Panoorin.

Ang mga katagang Binigkas nya ay nakasulat sa Banal n Quran. Eto ay pamprotekta s mga msasamang Elemento.”

Marami ang mga netizen na natakot sa ginawa ng paranormal expert na wari nila ay kung sila ang nasa kalagayan ng paranormal expert ay mahihimatay na ang mga ito o kaya naman ay tatakbo nalang, ang iba naman ay bumilib sa tibay at lakas ng loob na ipinamalas ng paranormal expert.

Samantala, kung ang iba ay natakot at bumilib may mga netizen naman na hindi naniniwala sa video, gawa gawa lang daw ito para sumikat at umani ng maraming views.

Gayunpaman totoo man o hindi umaabot na ito ngayong ng 1.5 Milyon na views , mahigit na 40K reaksyon, 35K na komento at 95K na shares!

LAST VIDEO NG MUSLIM #WARNING DON’T WATCH PAG MAY SAKIT SA PUSO 🙏😓

Isang Arabong Muslim Na lalaki Dito sa saudi Ang…

Posted by Sir Kimoto on Wednesday, October 7, 2020