Ang pag aanak ay dapat kontrolado at pinaplano. Ito ay pinag uusapan ng mag asawang nagbabalak bumuo ng kanilang pamilya. Tinatanong ang isa’t isa kung ilang anak ang gusto nila.

Sabi nila, mas madami, mas masaya. Ngunit bakit ng aba may mga pamilyang isa lang ang supling nila?

Narito ang dahilan mula sa isang celebrity couple na mayroon lamang kaisa isang napaka gandang anak. Sila ay sina Lucy Torres at Richard Gomez.

Madami ang nagtatanong at nag tataka bakit iisa lamang si Juliana na anak at hindi pa ito naususundan.

Hindi maitatangging parehong magandang lahi ng mag asawang Lucy at Richard kaya naman madami ang nanghihinayang kung hindi ito palalawakin.

Kitang kita na ang kagandahan ng batang ito ay namana niya sa kaniyang mga magulang.

Noong nakaraang taon, buwan ng Setyembre, nag celebrate ng isang napaka garbong debut si Juliana sa Bench Tower sa Bonifacio Global City.

Ngunit ano ng aba ang dahilan kung bakit walang kapatid si Juliana?

Ayon sa IG Post ng kaniyang ina, si Juliana daw talaga ang ayaw magkaroon ng kapatid. Ikinuwento niya na noong bata pa lamang si Juliana ay ipinahihiwatig na niya ito.

“When she was little, and we’d say our bedtime prayers together, I would ask her to help me pray for a baby brother or sister for her.

She would listen intently, wide- eyed, nodding as if in agreement, then she would break into a smile and say gently but firmly, “Mama, dog na lang”

Ganon pa man, wala mang kapatid si Juliana, mayroon pa din siyang napaka daming kaibigan na napag kakatiwalaan na itinuturing niya na ding mga kapatid kagaya ng kaniyang Daddy.

Ayon kay Lucy, ang anak niyang si Juliana ay mahilig daw mag-slumber party sa kanilang bahay kasama ng kaniyang mga kaibigan. sila na ang nag aasikaso sa kanilang kitchen at nagbe- bake.