Marahil marami ang nakaka-kilala kay Loisa Andalio, dahil isa siya sa mga hinahangaan ng henerasyon ngayon. Si Loisa ay napabilang noon sa sikat na talent search ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother “Teen Edition”.

Matapos makapasok si Loisa sa nasabing talent search ay dito nagsimula ang kanyang karera sa telebisyon.

Dahil pagkatapos makalabas sa bahay ni Big Brother ay nagsunod-sunod na dumating ang proyekto sa kanya dahil na rin sa galing nito sa pag-arte.

Ngunit matapos ang ilang mga proyekto na kanyang nagawa sa showbiz, ay inamin ng aktres na mahirap ang kanyang sitwasyon ngayon lalo na nung nasira ang kanyang network na pinagtatrabahuhan.

Hindi naman maialis kay Loisa kung gaano ang kahirap tanggapin na kasabay ng pagsarado ang kanyang network na pinagta-trabahuhan ay pagsarado rin ng oportunidad sa kanya dahil siya pa naman ang tumatayong breadwinner ng kanyang pamilya.

Naging emosyonal nga si Loisa ng ito ay mag guest sa programa sa umaga ng ABS-CBN na “Magandang Buhay” kung saan inamin niya dito na mahirap mawalan ng pinagkakakitaan dahil sapat lang ang sahod ng kanyang kapatid na lalaki para sa kanilang pang araw araw na gastusin.

Samantala, ganon din ang kanyang boyfriend ngayon na si Ronie Alonto na nahihirapan dahil sa pagkawala ng kanilang trabaho dahil isa rin siyang breadwinner ng kanyang pamilya.

Kaya naman naiintindihan nilang mag kasintahan ang bawat sitwasyon ng bawat isa.

Ngunit hindi nga sila tumitigil mangarap at magsikap dahil ika-nga nila kung may nagsarado mang oportunidad ay paniguradong may mga bagong magbubukas na mas maganda at higit pa.

Source: The Relatable