Mayroong magkapatid na halos ilang araw na tanging saging lamang ang kanilang kinakain.

Sila ay ang magkapatid na Gio at Jenny , silang dalawa ay walang magawa kundi mag tiis dahil hindi naman sila makahanap ng hanapbuhay dahil si Gio ay menor de edad pa kaya naman dahil sa lockdown ay bawal lumabas ng bahay.

Tanging si Gio lang ang nag-aalaga at nagtataguyod sa kanyang kapatid na limang taong gulang na si Jenny dahil dalawang linggo lang ang nakakaraan ng pumanaw ang kanilang ina.

Kaya naman bata palang si Gio ay natuto na agad itong magbanat ng buto.

Mabuti na nga lang ay mayroong naiwna ang kanyang ina na maliit na taniman sa kanilang likod bahay kaya naman kahit papaano ay mayroon silang punagkukunan ngayong lockdown.

Samantala, ngayong araw ay siguradong saging lang ang kanilang kakainin. Gustuhin man daw ni Gio na mabigyan ang kanyang kapatid na si Jenny ng ibang pagkain ay wala siyang magawa dahil hindi pa siya makakapag-hanap-buhay ngayon.

Ngunit kahit pa ganoon kanilang kinakaon ay hindi naman nagrereklamo si Jenny dahil ang saging ay kanyang paboritong pagkain.

Subalit kahit okay lang kay Jenny ay hindi maiwasan ni Gio na maawa sa kanyang kapatid dahil alam nito na simula pa noon ay hindi man lang nakakatikim si Jenny ng ibang putåhe o pagkain.

Sa kabila naman ng kanilang kinahaharap na problema ay labis parin naman ang pasasalamat ni Gio sa Diyos dahil hindi parin sila pinbabayaang magkapatid at kahit papaano ay may saging silang nakakain.

Saging at bagoong kanilang kinakain . Si Gio ang kumakain ng bahaw dahil ang bagong saing na kanin ay kanyang pinauubaya sa kapatid para naman mainitan ang sikmura nito.

Isang araw habang sila ay naguusap bigla nalang may kumatok sa kanilang pintuan, nagtataka naman si Gio kung sino ito kaya naman agad niya itong tinignan.

Pagbukas niya ng pintuan ay bumungad ang isang babae na nakasoot ng mamahaling mga damit. Tila kasing edad ito ng kanyang ina.

Hinahanap din nito ang kaniyang ina na si Lanie. Ngunit, binalita na lamang ni Gio ang malungkot na balita tungkol sa paglisan ng kaniyang ina.

Nagulat naman ang babaeng bisita ng marinig ang nangyari sa Ina ni Gio. Maya maya palang ay nagbagsakan na ang luha ng babae sa kanyang narinig.

Agad naman pinapasok ni Gio ang babae sa kanilang maliit na bahay. Doon ay tinanong si Gio ng babae kung anak siya ni Lanie.

Tumango naman si Gio at kanyang itinuro si Jenny at ipinakilala bilang kanyang bunsong kapatid.

Sambit naman ng bisitang babae na si Minda:

“Ako naman ang Ninang Minda mo. Matalik kong kaibigan si Lanie. Noong mga panahong ako ang nangangailangan ay siya ang kaisa-isang taong tumulong sa akin kahit pa salat na salat siya”

“Alam mo ba, hijo? Maliit ka pa nang huli kaming magkita ng iyong ina. Nang mga panahong iyon ay hindi pa rin nabibilanggo ang ama mo’t masaya pa silang nagsasama ni Lanie.”

Nalungkot naman si Gio ng marinig ang kuwento na sinasabing Ninang Minda niya, Kanya ulit naalala ang kanyang ama na pumanaw din, nakulong nag kanyang ama dahil sa maling bintang at sa loob ng kulungan ay nadisgrasya ng kapwa bilanggo.

Ngunit sa palagay niya ay masaya na ulit ang kanyang ama dahil kapiling na nito ngayon ang kanyang Ina.

Pagpapatuloy naman ng kwento ni Minda:

“Si Lanie ang nagturo sa aking maging mapagpasalamat kahit na ang mayroon lang sa hapag mo’y nilagang saging na paborito naming kainin noon dahil iyon lang ang mayroon kami. Tumakas kasi ako sa mga magulang ko noon. Malaki ang pasasalamat ko sa iyong ina, Gio. Sayang nga lang at hindi na ako umabot para sana’y natulungan ko siya.”

Humagulgol naman si Minda habang binabalikan ang kanilang nakaraan ng kaibigang si Lanie.

“Pero ngayon, nandito ako para bumawi. Kahit man lang sa inyong mga anak niya’y maipadama ko ang pasasalamat ko sa inyong ina. Simula ngayon ay aampunin ko na kayo’y ituturing na sariling akin” sambit ni minda.

Labis-labis naman ang tuwa ni Gio ng marinig yon sa kanyang Ninang Minda, kanya itong niyakap at siya ay nagpasalamat. Sa wakas ay hindi na sila magtitiis pang magkapatid sa gutom.

Ang kanyang Ninang Minda ay isang babaeng may kaya itonay nagmamay-ari ng ilang mga negosyo siya ay walang mga anak. Kaya naman mas lalong naging malapit ang magkapatid sa kanilang Ninang Minda at itinuring nila itong parang tunay na Ina.