Hindi lamang pera at pagkain ang dinadaing ng ating mga kapwa Pilipino. Mayroong mga tao o pamilya na may matindi pang problema at ito ay ang kanilang tahanan.

Minsan ay wala, minsan ay hindi na halos makonsiderang tahanan dahil sa itsura nito.

Kung ating aalalahanin, si Marcelito Pomoy ay nagsimulang bumuo ng kaniyang pangalan nang magpamalas ng galing sa pag kanta sa America’s Got Talent.

Bukod sa pagpapatunay na ang Pilipino ay mga talentado, ang pagiging matulungin din sa kapwa ay kaniyang isinagawa.

Bagamat may pangalang pinanghahawakan hindi pa din niya nakalimutang mag abot ng kamay sa mga taong nangangailangan ng tulong.

Nakita ni Marcelito ang sitwasyon ng isang matanda sa Quezon province sa social media na si Nanay Auro Verano.

Makikita sa larawan na ang tahanan niya ay malapit nang bumigay at sira- sira na. Sampung taon na siyang tumitira sa maliit at madilim na kubo na ito. Labis na nag alala si Pomoy sa sitwasyon nito lalo na ngayong quarantine.

Apat na araw ang tinagal ng pag papatayo at pag sasaayos ni Marcelito ng bahay ni Nanay Auro.

Sa unang araw ay naglagay muna ng maliit na bahay na tutuluyan ni nanay upang masimulan na ang pundasyon ng bagong bahay. Pagkatapos ay saka gumawa ng bubong at dingding na pininturahan ng pula.

Syempre hindi naman ito makukumpleto kung walang mga kagamitan. Binilhan niya ito ng kama, upuan at mesa maging ang mga kasangkapan ay mayroon na din.

Lubos na nagpapasalamat hindi lamang si Nanay Auro maging ang netizen na nagpost ng kalagayan nito na si Aiza Hernandez. Masaya siya sa nangyaring pagtulong ni Marcelito.