Si Robin at Mariel ay nagpatayo ng isang bagong apartment para iregalo sa kanilang mgq kasambay.

Ang naturang pagbibigay ng bagong bahay sa kanilang kasambahay ay mapapanood sa youtube channel ng kanyang asawang si Mariel.

Ayon sa mag-asawang Padilla ang pagbibigay nila ng sariling bahay sa kanilang mga kasambahay ay isang paraan ng kanilang pagpapasalamat sa mga ito at pagpapahalaga sa serbisyo na ibinibigay ng kanilang mga kasambahay kaya naman ibinigay daw ng mag-asawang padilla sa kanilang mga kasambahay kung ano ang makakapagpasaya sa mga ito.

Ang naturang bagong apartment na binigay nila Robin ay gustong-gusto daw ng mga kasambahay dahil simula daw ng nag lockdown dahil sa pandemiya ay hindi nakauwi ang mga ito sa kani-kanilang pamilya.

Dagdag pa ng mag-asawang padilla ay miss na miss na daw ng kanilang mga kasambahay ang kanilang mga pami-pamilya.

Kaya naman hindi daw sila nagdalawang isip mag-asawa na iregalo ang apartment sa kanilang mga kasambahay.

“Tonight on my YouTube channel is something more personal. Since the lockdown no one has left the house, including our staff. Miss na nila pamilya nila. Ito kwento nila. Lahat ng sakripisyo may matamis na kapalit basta magsumikap . Isang pangarap ng bawat tao makakamit nila ngayong panahon ng c0vid”. Pahayag ni Mariel.

Ayon pa kay Mariel ang pagpapagawa daw ng apartment sa Museo Padilla ay ideya daw ng kanyang asawang si Robin.

Dagdag pa nito simula daw nagkaroon ng pandemiya at naging mahigpit sila sa pagpapalabas pasok ng mga tao sa kanilang bahay para na rin sa safety ng bawat isa.

Kaya naman daw ito ay naging mahirap sa kanilang mga kasambahay dahil ang mga ito ay hindi nakakauwi sa kanilang mga pamilya kaya labis ang pangungulila.

Ngunit dahil sa tulong ng mag-asawang Padilla sa ibinigay na Apartment ay mayroon ng malilipatan ang mga pamilya ng kanilang kasambahay at makakasama na ang kani-kanilang pamilya, dahil dito ay hindi naiwasan maging emosyanal ng mga kasambahay nina Robin at Mariel.

Labis-labis naman ang pasasalamat ng kanilang mga kasambahay dahil sa ibinigay ng mag-asawang padilla na bagong bahay.

Isa na nga diyan ay kanilang kasambahay na si Jo na isang midwife na mahigit tatlong taon ng nagtatrabaho sa kanila.

“Nagpapasalamat po ako dahil napapapunta ako sa pamilya niyo (Padilla Family)”. Saad ni Jo.

Ikinuwento naman ng isa sa mga kasamabahay nina Mariel at Robin kung paano sila ituring ng pamilya nito.

“Kakaiba po ang nararanasan namin dito, hindinnamin mararanasan sa iba. Iba po yung ipinapakita ninyo sa amin. Kakaiba po ang pakiramdam. Parang at home na at hime po ako dito sa bahay niyo” pahayag ng isang kasambahay.

Nakakatuwa naman malaman na ganito ito ring ng pamilya Padilla ang kanilang mga kasambahay dahil sa kabila ng kanilang kasikatan at kayamanan ay nanatiling mapagkumbaba ang mga ito para sa mga taong nangangailangan.