Sa dami na nangyayari at nababalitaan natin na maraming na sa ating mga kababayan ang na naloloko ng mga m0dus.

Hindi na tuloy natin maiwasan ngayon na makapanghusga agad at magduda sa mga kakayanan at kahusayan ng ibang tao kahit hindi pa natin lubos na kilala dahil na rin sa labis na takot na magaya sa mga taong naloko.

Katulad ng isang nakamamanghang kwento ng netizen na si Donn Brian Camus, siya ay nagmamay-ari ng isang convenience store kung saan hindi siya makapag desisyon kung kanyang magpakakatiwalaan ang angking husay at talento ng isang matanda.

Kwento ni Mr.Camus, Lumapit sa kanya si Mang Ruben Verches at ipinakita at ipin-resinta sa kanya dito kung paano ang serbisyo niya sa paggawa ng mga “signages” ng mga establisyemento at sinabi rin nito na siya rin daw ang gumawa umano ng signage sa katabi nitong Laundry Shop.

Pagpapatuloy pa ng kwento ni Mr.Camus, Nung una araw ay talagang pinagduduhan niya ang mga sinasabi ni Mang Ruben ngunit ng malaman nito na si Mang Ruben ay mag-isa na lamang sa buhay, at naging palaboy-laboy tanging sa ilalim nalang to nakatira ay nakaramdam siya ng awa kaya naman binigyan niya ito ng tsansa na gawin ang kanyang signage.

“Duda ako noong una kasi syempre baka hindi maayos ang kalabasan kapag manual paint lang at kung hindi maayos ang kalabasan eh ipapabura ko na lang tapos papalitan ng stickers or stencil.” pahayag ni Mr.Camus.

Ngunit sobrang natuwa at namangha si Mr.Donn Camus sa kinalabasan ng obra ni Mang Ruben sa kanyang conveinience store, Sobrang ganda ng likha ni Mang Ruben na hindi inaasahan ni Mr.Camus.

“Minsan kailangan lang talaga natin magbigay ng konteng tiwala sa taong nagpipilit mabuhay ng marangal para kahit paano madagdagan ang pag-asa nila sa buhay.”

“Salamat Mang Ruben hindi ako nagkamali ng pagtitiwala sayo” Pagpapasalamat niya kay Mang Ruben.

Samantala, dahil naman sa post na ito ni Mr.Donn Camus , Marami ang mga netizen na gustong kuhanin ang serbisyo ni Mang Ruben para sa kani-kanilang mga signages at mga negosyo.

Pag-papaalam ni Mr Donn Camus sa mga netizen:

“Mejo overwhelmed po ako sa mga nag PM na gusto magpagawa sa kanya umasa po kayo na makakarating pls let me know your locations kasi baka hindi kayo maaccommodate agad ni Mang Ruben kung mejo malayo..

Salamat sa suporta. I’m thinking nga to extend the help kung mejo complicated ang trabaho we can refer you sa mga signage suppliers na willing magdonate ng 50% of their profit para kay Mang Ruben.

Rest assured this is 100% for him. Whatever his past, this guy deserves a second chance!”

May mga netizen din na nagpaabot ng mensahe kay Donn at kay Mang Ruben.

“Salamat sainyo Kuya Don, napakasarap basahin at makita ang ginawa niyong tulong kay Mang Ruben. Thankyou for giving him a chance. Kaya mas lalo po kayong binebless. Para naman kay Mang Ruben. Ang galing niyo po laban lang po sa buhay FIGHT FIGHT FIGHT” – Riyan Grace

“Pare Donn Brian Camus mabuhay ka tunay na pagpapala ka sa iyong kapwa 🙂 🙂 🙂 – Nimrod Mateo.

“Pag nag pagawa ako at pa repaint ko ng karatula sayo ko tatawag bossing para kay Mang Ruben” – Kiko Ignacio

Narito naman ang kabuuang post ni Mr. Donn Brian Camus sa kanyang social media:

I’m posting this to help the man!!!

Kudos to Mr. Ruben Verches aka “Mang Ruben” who commissioned our signages. He is the homeless guy who approached me last week asking kung kailan daw ba dadating yung owner ng tindahan kasi gumagawa daw sya ng signage.

Sabi ko ako yung may-ari kaya tinanong ko sya saan2 na yung mga nagawan na nya ng signages.

Nakumbinse naman ako kasi yung katabing laundryshop sya daw nag paint ng signage at sa mga paraan na sinabi nya kung paano step by step na paggawa lalu na nung sinabi nyang after ko daw sya bigyan ng print copy may pattern na naka scale daw syang gagawin na ipapaapproved daw muna nya sakin bago nya ipinta.

Duda ako noong una kasi syempre baka hindi maayos ang kalabasan kapag manual paint lang at kung hindi maayos ang kalabasan eh ipapabura ko na lang tapos papalitan ng stickers or stencil.

Pero nung nalaman kong palaboy at sa ilalim lang pala ng flyover yung sinasabi nyang pwesto nya tapos yung mga gamit at signage maker box nya at iniipon dw nyang mga kalakal eh kinuha ng mga sweepers mejo nakaramdam ako ng awa kaya parang tulong ko na lang din sa kanya. Pwede ko naman ipabago kung sablay talaga.

Minsan kailangan lang talaga natin magbigay ng konteng tiwala sa taong nagpipilit mabuhay ng marangal para kahit paano madagdagan ang pag-asa nila sa buhay.

Nagrequest akong magpapicture sa kanya sabi ko ipopost ko sa FB para magkaroon pa sya ng mga kliyente ako pa lang dw kasi ang 1st client nya this year…

Salamat Mang Ruben hindi ako nagkamali ng pagtitiwala sayo.

PS.

Sa mga FB friends na gusto magpagawa ng painted signage or kahit panaflex signage daw kaya nya rin gawin PM is the Key!

.Location nya is around Bagong ilog Pasig City.

Let’s give the man a chance to make a living and build hope by doing his craft.

#JacobStore