Madami ang mga natutuwa sa mga halaman sa tuwing ito ay nasisilayan. Minsan ay inilalaan nila ang kanilang mga oras para alagaan at kalingain ang mga ito.

Kaya naman ang iba ay talagang namimili ng napakaraming halaman upang mag display sa loob ng bahay o hindi kaya man ay itanim sa bakuran.

Ngunit paano na lamang kung isa kang abalang tao ngunit mahilig ka sa halaman? Hindi na problema iyan dahil mayroon namang mabubuhay pa din nang hindi kumakain ng maraming oras para alagaan. Ang mga halaman na ito ay hindi kailangang madalasang pagdidilig.

Aloe

Madami ang benepisyo ng halamang ito. sinasabing mula ito sa bansang Africa na mayroong 200 species. Ang kahulugan daw ng halamang ito sa salitang Hindu at Arabic ay “true shining and bitter substance”.

Zamioculcas

Mas kilala ito bilang flowering plant kahit na minsan lamang ito kung mamulaklak na may habang 40-60 cm. tipid na tipid ito sa tubig pagkat sapat na ang isang beses na pagdidilig sa loob ng isang taon.

Spurge

Kaya nitong lumaki ng 15- 91 cm. Kinakailangan lang na maingat at kontrolado sa pag didilig pagkat maaaring masira ang ugat nito kapag nasobrahan.

Epipremnum

Sikat na sikat ito para sa mga nag nanais ng indoor plant dahil sa angking ganda at lapad ng mga dahoon nito. Iba iba din ang tawag dito. Sapat na ang isang beses na pagdidilig sa loob ng isang buwan.

Beaucarnea Recurvata

Kilala ito bilang Ponytail Palm or Elephant’s foot dahil sa hugis ng kaniyang katawan. Madalang lang sa isang buwan kung ito ay diligan.

Kalanchoe

Napakaganda nito lalo na sa labas ng bahay ngunit ang kailangang tataniman nito ay tuyong buhangin.