‘Dalian mo doon sa may kabinet , bilisan mo buksan mo ang kabinet’. Yan ang parating bulong ng isang tinig kay Maria. Paulit-ulit na kanyang naririnig na boses.

Agad naman naglakad ng dahan-dahan si Maria patungong kabinet na nasa kanilang dulong silid.

Ngunit ang naturang silid na iyon ay mahigpit na pinagbabawal na pasukin ng kahit sino pa ayon sa matandang may-ari ng dormitoryong kanilang inuupahan.

Samantala tuloy lang naman si Maria na pumunta sa silid at ng kaniyang hawak-hawak na ang pinto ng kabinet ay grabe ang kanyang kaba na halos tumalbog ang kaniyang dibdib.

Sa wakas nga ay malalaman na niya ang misteryosong tinatago sa malaking kabinet na iyon.

Shiena: “Hooooy Maria! Gumising kana! Anong oras na oh! Di ba may exam ka pa ngayong umaga?!” (Malakas na sigaw ng kaibigan ni Maria).

Maria: “Hala! Oo nga pala. Maraming salamat at ginising mo ako Shiena” (pasasalamat ni Maria na nanaginip lang pala).

Agad-agad naman tumayo at bumangon si Maria para mag-ayos sa kanyang pagpasok mabuti nalang talaga at siya ay ginising kung hindi siya nahuli sa kanilang pagsusulit.

Manager: “Sige na Maria, ikaw ay umuwi na masyado ng nalalim ang gabi mag-iingat ka sa pag-uwi ha! Kababaeng tao mo pa naman!” (Paalala ng Manager ni Maria pagkatapos matapos ang shift nito sa trabaho).

Maria: “Opo sir maraming salamat po sa inyo, mauuna na po akong umuwi”. (magalang nag pagpapaalam sa kanyang sir)

Ganito ang laging scenario ng buhay ni Maria, Gabi na lagi siya nakakauwi dahil pagkatapos ng kaniyang klase ay dumadaretso siya sa kanyang partime-job.

Pinanganak kasi si Maria sa mahirap na pamilya kaya naman kailangan niyang magtrabaho habang nag-aaral para masuportahan ang kaniyang pangangailangan lalo na sa pag-aaral.

Mabuti na nga lang ay likas na masipag at matiyaga si Maria at positibo din palagi ang kanyang pananaw sa buhay.

Nang makauwi si Maria ay naglinis agad ito ng katawan at nag-ayos ng kanyang gamit at nakatulog na nga siya agad sa sobrang pagod.

 

Magpapahinga muna siya ng ilang oras dahil maya-maya ay gigising na rin siya para makapag-aral naman.

Maya-maya naman sa kanyang pagkakaidlip ay may mga boses na bumubulong nanaman sa kanya.
“Doon sa kabinet, bilisan mo buksan mo”.

Maria: “Ano bang pinagsasabi mo sino ka ba? Ano ang mayroon sa kabinet?”. (Tanong ni Maria sa boses na kanyang naririnig).

“Buksan mo ang kabinet” (tanging sagot ng boses na kanyang naririnig).

Bigla naman napabangon sa kanyang hinihigaan si Maria ng maramdamang may nakahawak sa kaniyang balikat, at sa kanyang pagmulat ay nakita niyang hawak hawak siya ni Shiena at kanina papala siya ginigising.

Shiena: “Bess ano ba nangyayari sayo nagsasalita ka na naman habang tulog?”

Bumangon naman si Maria para maghilamos , sobra ang kaba ni Maria habang hawak-hawak ang kamay ng kaibigan.

Shiena: “Napanaginipan mo na naman ba yung babae na nagsasabing buksan mo yung kabinet”

Tanong ni Shiena sa kaniyang kaibigan na si Maria.

Maria: “Oo bess” (sabay tango)

Shiena: “Bess ilang buwan mo nang napapanaginipan yan. Baka may dapat ka talagang gawin para tumigil na yan. Gusto mo tayong dalawa ang pumunta sa may-ari kung ano ba talaga ang laman ng kabinet na yon? Para matapos at manahimik na tayo. Kasi ako hindi na din mawala sa isip ko kung ano ba talagang laman ng kabinet na yon”.

Agad-agad naman sila nagpunta sa may-ari kinabukasan. Ngunit ganon pa rin ang naging sagot ng may-ari sa kanila na bawal pakialaman ang kabinet.

“Nako hindi maari mga iha, ang tanging laman ng kabinet na yon ay lumang gamit kaya naman nakatago lamang sa dulong silid yon hindi narin iyon mapapakinabangan kaya naman nakatago lang hindi ko din naman maitapon dahil bigay pa sakin iyon ng mga nasira kong magulang” paliwanag ng matandang may-ari sa kanila.

Shiena: “Maria naniniwala ka ba sa sinabi satin ng matandang iyon?” (Nagdududa na tanong).

Maria: “Hindi ko alam e! Naguguluhan ako bakit kasi niya tayo pagbabawalan buksan kung lumang gamit lang naman ang laman ng kabinet na iyon diba?”. (Sagot sa kaibigan)

Shiena: “Ganito nalang Alam ko na! Mamayang Gabi kapag tulog na lahat silipin natin ang kabinet maaga naman matulog ang may-ari na yan”. (suhestiyon ni Shiena sa kaibigang si Maria).

Nang sumapit nga ang kinagabihan katulad ng pinag-usapan ng magkaibigan ay pinuntahan nga nila ang malaking kabinet habang tulog ang lahat.

Maria: “Sigurado ba tayo sa gagawin natin ha Shiena”. (nangangambang tanong sa kaibigan).

Sobra ang kaba ng dalawa habang hawak-hawak ang dalawang magkabilang pinto ng malaking kabinet para buksan ito.

“Anong ginagawa niyong dalawa dito?! Diba’t sinabi ko na bawal kayong pumasok dito!” (sigaw ng may-ari at napabitaw naman sa sobrang takot ang dalawang dalaga sa kabinet).

“Nako talaga kayong mga bata kayo sinabi ko ng lumang gamit lamang ang laman niyang kabinet na yan” dagdag pa ng matandang may-ari.

“Pero sige na para kayo ay matahimik tignan niyo na ang laman nito o tignan niyo puro lumang gamit”

Shiena & Maria: “Pasensya na po kayo hinding-hindi na po mauulit” (sabay na paghingi ng pasensya ng magkaibigan).

“Nawa’y matahimik na kayong dalawa, hala sige magsitulog na kayo” sambit ng matanda sa dalawang dalaga.

Maya-maya pa habang tulog si Maria ay may narinig nanaman itong boses sa kanyang tainga. “Wag kayong maniwala sa kanya buksan niyo ang kabinet sa loob, buksan niyo”.

Mabilis na bumangon si Maria at nang siya ay nasa harapan na agad ng kabinet ay agad niya itong binuksan at tumambad sa kaniya ang mga lumang gamit ngunit sa kaniyang pagtingin tingin may napansin siyang maliit na harang sa gilid. Hindi ito mapapansin kung hindi ko bubusisiin ng mabuti ang naturang kabinet.

Sobra naman ang kaba ni Maria at inisip na ito na siguro ang matagal ng sinasabi sa kanya ng boses na kanyang napapanaginipan.

Nang magtagumpay nga si Maria na alisin ang harang ay halos mawala siya sa sarili at mawalan ng kulay ang kanyang mukha.

Bumungad sa kanya ang mga buto ng mga [email protected] Tingin niya ay isang babae ito at isang sanggol dahil bakas pa sa kanilang mga suot kahit buto na ang kanilang kasarian.

Nanginginig at takot na takot na binalik at inayos ni Maria ang kabinet at agad-agad bumalik sa kanilang kwarto nagdasal na lamang siya para sa dalawang [email protected] na kanyang nakita at hindi muna niya sinabi sa kanyang kaibigan ang kanyang natuklasan dahil natatakot siya na malaman ng may-ari na alam na niya ang sikreto nito.

Pagsapit ng umaga ay umasta si Maria na wala siyang alam para hindi makatunig ang may-ari na alam niya ang sikreto.

Labis siyang nag-iingat sa bawat kilos niya at ng makalabas siya sa kanilang dormitoryo ay agad siyang pumunta sa pinaka malapit na presinto.

Ini-report niya ang kanyang nalaman sa dormitoryo, agad naman rumesponde ang mga pulis para hulihin ang may-ari.

Pagkatapos nga non ay nailibing ng maayos ang dalawang [email protected] na natagpuan sa kabinet para manahimik na ang mga ito.

Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis ang naturang [email protected] ng babae at sanggol ay asawa umano ng may-ari.

Ikinulong ng may-ari ng bahay ang kanyang asawa sa kabinet kasama ang sanggol na di-umano ay anak sa ibang lalaki ng kanyang asawa. Ikinulong nag dalawa hanggang sa bawian ito ng buhay.

Matagal na umano ang nangyaring krim3n. Inakala ng mga katabing bahay nila iniwan ang may-ari ng bahay ng kanyang asawa at anak dahil daw ito ay mahirap lamang sa mga panahon na iyon.

Walang ibang nag-isip na sa kabila ng pagkawala ng mga ito ay may kababalaghan at krim3n palang nangyari.

Dahil sa pagtuklas ni Maria sa mga [email protected] sa wakas ay may mga biktima nanaman na nabigyan ng hustisya.

Pagkatapos ng lahat habang natutulog ulit si Maria ay may boses ulit siyang narinig “Salamat sa iyo, ngayon ay makakapag pahinga na at matatahimik na ang aming kaluluwa”. Iyon ang huling narinig ni Maria na boses sa kanyang panaginip.

Source: Inday Trending