Nasaan nga nga ba si Aya Medel at sino nga ba siya?, Matagal na din ang panahon na lumipas nasaan na nga ba si Aya Medel at anong buhay ang meron siya.

Taong 90`s nang sumikat at makilala sa industriya ng showbiz si Aya medel. Isa siya sa pinaka sikat at sobrang séxy na aktress nang dekada 90. Mas kilala siya sa bansag na “Papaya Queen”.

Muling inalala ng dating aktress na si Aya Medel kung paano siya nag simula sa pag-arte at pumasok sa showbiz sa edad na 14-anyos matapos siyang ma interview sa “Inside Bicol”.

Nagsimula ang lahat ng ito ng tanghalin si Aya bilang 1st runner-up sa Mutya ng Tabaco na ginanap sa Tabaco, Albay. Napansin siya ng isang Talent coordinatior/scout at alukin bilang isang modelo.

Nang madiskobre si Aya sumabak din siya sa pag-arte ang una niyang Pelikiula ay ang “Totoy Mola” na ginampanan ni Jay Manalo na kanyang kasama sa pelikula.

Ngunit ang pinakasumikat na palabas na siya ay kasama ay ang “Asong Ulol” kung saan siya ay gumanap bilang ate ni Ian Veneracion.

Dahil sa kanyang galing sa pag-arte at ang pagkakaron ng maganda at séxy na katawan ay nag tuloy-tuloy ang kanyang pag sikat at karera sa showbiz.

Sa kanyang pag-aartista ay umabot ng 58 ang kanyang nagawang pelikula at ang ilang pelikula dito na sumikat aty ang “Molata” , “Babae sa Bubungang Lata”, at ang isa ay ang “Padre Kalibre” kung saan ang kanyang nakapareha dito ay yumao na beteranong aktor na si Eddie Garcia.

Mas higit na hinangaan si Aya matapos niyang gawin ang pelikulang “Sisa”. Umulan siya nang papuri sa pagganap niya dito dahil sa kanyang talento sa pagarte ilan ding movie critics ang nagkomento sa kanya ng magaganda.

Nakapareha niya dito ang aktor na si Gardo Versoza, at si Mario O`Hara naman ang nag direk.

Hindi pa diyan natapos ang pag-arte ni Aya dahil nag karoon din siya na maging parte at mapasama sa ilang Foreign films tulad ng “Naked Nights”, “Love and Desire”, “Troublesome Nights” (a comedy film show in Hongkong) at ang hui ay ang “Total Aikado” (a film shown in japan).

Si Aya Medel din ay naging parte ng TV Series sa GMA Network na “Daisy Siete” at minsan ay nag geguest din sa variety show na “Eat Bulaga”.

Ibinahagi din ng aktress ang kanyang pag balik sa eskwela dahil maaga siyang pumasok sa pag-arte ay hindi siya nakapag tapos ng highschool. Kaya naman ng bumalik siya sa pag aaral ay kumuha muna siya sa DEPED ng acceleration exam.

Matapos ang naturang exam niya sa DEPED ay agad siyang kumuha ng Culinary studies sa pangangalaga ni Gene Gonzales ito ay ginawa niya upang paghahanda kung sakali mang mawala na siya at umalis na sa mundo ng showbiz.

Ngayon ay isa ng may-ari ng isang Japanese Filipino restaurant ang dating séxy na aktres na patatagpuan sa Tabaco, Albay ang pangalan ng kanyang restaurant ay IshiAya Garden Bistro, ngunit bago niya mapagtagumpayan lahat ito ay naging isa din siyang chef sa isang intercontinental tokyo.

Hindi lang basta isang businesswoman si Aya dahil isa din siyang Mommy sa kanyang dalawang anak na sina Shaina Ishi at Simon Grey. Ang panganay niya ay babae na mag 15-taong gulang ngayon mayo at isa ay 2 taong gulang na kanyang baby boy.

Ang bunsong anak ni Aya na si Grey ay bunga ng isang Vitro vertilization, Samantalang ang panganay naman niya na si Ishi ay bunga ng pagpapakasal niya sa isang japanese businessman na si Yoji Hayakawa.

Nagsama si Aya at ang kanyang Japanese na napangasawa sa loob Labing-dalawang taon bago sila nag divorced. Ngunit kahit ito ay hiwalay na sa kanyang asawa ay maayos naman silang magkaibigan para magampanan ng maayos ang kanilang pagiging magulang sa kanilang anak.