Ang Pasko ay isa sa mga pinaka-mahalagang araw para sa lahat lalo na sa mga bata. Dahil bukod sa mga nagkalat na naggagandahang ilaw sa kalsada, mga masasarap na pagkain ay mayroon din natatanggap ang mga bata na regalo mula sa kanilang mga ninong at ninang.

Ang okasyong Pasko na ito ay nagpapaalala din sa atin ng pagkabuhay ng Panginoong Jesus Kristo.

Naging tradisyon na din sa ating mga Pilipino ang paghahanda at pamamasko sa mga ninong at ninong tuwing pasko ngunit sa kabila nito tila nakalimutan na ng marami ang tunay na simbolo o tungkulin kung bakit kumukuha tayo ng ninong at ninang.

Ang ninong at ninang ay tatayong pangalawang magulang para sa kanilang mga inaanak ngunit tila nagbabago na ang ihip ng hangin dahil mayroon mga nanay na parang kaya lang sila kumuha ng ninong at ninang ng kanilang mga anak ay para sa pera at regalo tuwing pasko.

Katulad ng isang conversation ng isang nanay at ninang ng kanyang anak na talagang nag-viral sa social media. Kung saan sinasabi na ng ninang sa ina ng kanyang inaanak na 1K ang maibibigay nito ngunit galit pa ang magulang sa kanyang kumare na ganon lang ang ibibigay sa kanyang anak na para bang may patago ito at pera lang ang habol sa pagkakaroon ng kumare.

Nang mabasa ng mga netizen ang “convo” ng mag kumare ay umani agad ito ng iba`t-ibang reaksyon at komento. At ang iba nga ay nagsasabi na tila nawala na talaga sa ating mga pinoy ang tunay na simbolo ng pasko dahil parang hindi na ang kasiyahan at kapanganakan ni Jesus ang ating hinihintay kundi ang paghingi ng aginaldo sa ating mga ninong at ninang.

Narito naman ang naturang conversation ng Nanay at Kumare nito: