Dahil sa nahaharap tayo sa pandemiya dulot ng c0r0na virus ay marami tayong sinusunod na mga protocols tulad ng pagsusuot ng facemask, social distancing at physical contact.

Talaga namang napakahirap para sa atin at isa pa sa mga dapat sundin ngayong panahon ng pandemiya ay ang paglimita ng paglabas ng mga tao sa lansangan.

Ang nakasanayan nating pagbili sa labas o palengke ng mga pangunahing kailangan kahit anong oras ngayon ay hindi na pwede limitado na ito. Kaya naman marami sa atin ang mga nahuhumaling sa mga online buying.

Dahil limitado na nga ang ating paglabas nauuso ngayon ang mga online shopping o online buying mapa- damit, pagkain , gamit at kung ano-ano pa.

Malaki naman talaga ang tulong ng online buying bukod sa hindi muna kailangan lumabas para bumili ikaw ay makakaiwas pa sa mga matataong lugar.

Samantala, kung may magandang dulot ito syempre mayroon din itong nakaabang na problema na maaring maranasan at hindi maiiwasan.

Nariyan ang pwedeng mabasag ang item na binili at minsan ay mali ang natatanggap nating item. Isa ding problema ay ang pangloloko ng ibang mga sellers sa kanilang mga customers.

Tulad nalang nitong cabinet na inyong nakikita sa larawan. Kung inyong pagmamasdan ay talagang napaka cute dahil sa naturang size nito.

Ngunit sa maniwala kayo o hindi itong cute size cabinet na ito ay nabili ng isang mommy netizen natin sa halagang Php 700 pesos!

Ayon sa facebook post ng netizen na si Gio Lumines , dahil nga limitado ang paglabas ngayong quarantine ay nahumaling daw ang kanyang mommy sa pag-oonline shopping at doon ay nakita nito ang isang cabinet, nagandahan daw ang kanyang ina at namurahan sa presyo kaya naman agad nila itong inorder at nabili sa halagang P700+.

Dahil sa post na ito ni Gio ay agad naman itong nag trending sa social media. Ayon naman sa kanya ay nadismaya ang kanyang mommy sa naorder na cabinet.

Samantala umani ng mga “HAHA” at “WoW” reactions ang post na ito mula sa mga netizens dahil sa cute nitong sukat na halos isang dangkal lamang.

Gayunpaman, maging isang paalala na ito para sa iba rin na mahalig mag online shopping. Siguraduhing legit o tunay ang ating binibilihang seller.

Sa panahon ngayon bukod sa nag-iingat tayo na magkaroon ng sakit ay dapat ay maingat din tayo sa mga taong manloloko.

Bumili si mama ng cabinet, P700+ sa lazada. Tas nagtaka siya kung bakit may nagdeliver ng box na maliit, di niya alam kung ano yung inorder niya na ganun. Yung cabinet pala, debale cute naman.

Posted by Gio Lumines on Tuesday, July 28, 2020