Sinelebra ni Bugoy Cariño ang kaniyang ika- 18 taong kaarawan kasama ang kaniyang kasintahan na si EJ Laure at masayang isinapubliko ang kanilang anak na si Scarlet.

Sa kaniyang Instagram Account, sinabi ng dating Hashtags member at Star Circle Kid Quest 2009 grand winner na siya ay labis na masaya sa pagkakaroon ng sariling pamilya kasama ang kaniyang volleyball star na girlfriend at sariling anak.

“HAPPY BIRTHDAY TO ME!

Happy to have a family na mahal na mahal ako. Pagsisikapan ko pong itaguyod ang blessing na ito. Thank you for your unending support and I love you both, Mommy EJ and Baby Scarlet!!” saad ni Bugoy.

Samantala, binati din siya ng kaniyang kasintahan na dating captain ng UST Tigresses ng isang video compilation ng mga moments ni Bugoy kasama ng kanilang panganay.

“Happy birthday, Mahal thank you sa lahat ng ginawa at ginagawa mo para sa amin ni baby Scarlet! We love you so much, daddy! @iambugoy_carino”.

Sa kabilang banda, madami naman ang nagulat sa kanilang paglalahad ng katotohanan.

Gayun pa man, ang mahalaga ay hindi sila naging duwag panagutan ang kanilang ginawang desisyon sa buhay. Higit pa doon, sila ay tunay na nagmamahalan at masaya sa kung anong mayroon sila sa kasalukuyan.