Mahirap pag-ipon lalo na kung ikaw ay ma-bîsyo dahil nasa paligid lamang ang mga tukso tulad na lamang ng Pagkain,Mamahaling gamit at lalong lalo na ang Bîsyo tulad ng sigarilyo, alåk at online games.

Pero maiiba diyan ang isang OFW na si Neil Ryan Lorenzo na talagang determinado na makapagipon at sinikap na iwasan ang mga bîsyo na sa kanya ay makakasama at bukod pa don ay siya ay makaiipon.

Ikinuwento ng OFW na siya ay inspire sa isang Pesosense Facebook Page na tumatalakay sa pagiipon at nag bibigay ng mga tips kung paano makaipon.

Dahil siya ay pursigidong makaipon at gawin ang Ipon Challenge ay iniwasan niya talaga ang mga bîsyo na talagang sa kanya ay makasasama sa kalusugan.

Ang kanyang mga iniwasan na bîsyo ay ang panînîgarîlyo, nag-diet at iniwasan ang mga laro na online games kung saan ay napapagastos din siya.

Nag-sideline din siya sa pagtitinda ng isda, pagpapaupa ng billiard table, gumagawa siya ng sirang gadget, gold bar raffles at ibinebenta ang mga napapanalunan sa mas mababang presyo sa ilan niyang mga kasamahan para idagdag sa kanyang ipon.

Ipinagpatuloy ni Neil Ryan ang pagiipon na iyon umabot siya sa loob ng tatlo at kalahating taon at tsaka binuksan ang ipon.

Hindi makapaniwala si Neil Ryan sa kanyang naipon dahil umabot ito ng 75,400 Saudi Riyals na pag ipinalit sa ating pera ay aabot ng Php 1 Milyon.

Galing sa kanyang naipon ibinili ni Nei ang kanyang ina sa General Trias, Cavite ng sariling bahay. Masaya naman si Neil ngayon na nagbabakasyon sa sariling bansa.

Dahil sa kanyang natanggap na biyaya hindi siya nakalimot magpasalamat. Nagbibigay siya ng mga pagkain sa mga tao sa kalsada na natutulog at nakatira.

Nagpapa-raffle din siya sa kanyang Facebook Account na may halagang 500 riyals o Php6,000 na katumbas.

Ang OFW na si Neil Ryan ay na Feture na din sa Kapuso Mo, Jessica Soho ayon sa OFW Updates at naging viral sensation.