Sabi nga nila, kapag paulit- ulit ginagawa, mayroon na itong kahulugan kaya sinasadya.

Kagaya na lamang ng isang palalaboy na aso sa Brazil na kung saan ay nakakuha ng trabaho, inampon at naging popular dahil sa kaniyang paulit- ulit na pagpunta sa Hyundai Prime Dealership.

Nito lamang nakaraan ay napansin ng staff sa Hyundai Prime dealership ang aso na pabalik balik.

Noong una ay inaakala nilang pansamantala lamang ito at aalis muli ang aso para makahanap ng ibang pagkakaabalahan sa ibang lugar ngunit hindi pagkat desidido itong manatili kaya hinayaan nila.

Pinangalanan nila itong Tucson Prime na kanila namang binigyan ng trabaho. Hindi lang basta basta ang kaniyang recruitment pagkat mayroon siyang sariling valid ID at lahat ng mga kinakailangan upang maging legal ang pagiging empleyado.

Buwan ng Mayo noong nagsimula ang istorya ngunit nito lamang nakaraang linggo nang sumikat ito matapos magpost sa Instagram ang Hyundai Brazil ng mga larawan ni Tucson at may caption na “Pawfessional Consultant”.

Ang una nilang plano ay kupkupin lamang ang aso ngunit mayroon itong aking galing sa pagbati at pakikisalamuha sa mga customers na nag udyok naman upang siya ay ma-promote.

Sinabi sa media ni Showroom manager Emerson Mariano na ang feedback sa customer service ni Tucson ay positibo at sinabi niyang nagbago ang kapaligiran ng kanilang samahan dahil sa asong ito “very caring and docile nature”.

Sinabi din niya na maraming customers ang bumabalik pagkatapos mamili ng kotse para lamang makapag “hi” sa aso at magbigay ng mga regalo.

Isang gabing maulan daw noon nang maawa ang manager sa palaboy na aso kaya namaninimbitahan niya itong pumasok at binigyan niya ng pagkain. Ngunit natuwa ito sa aso at iminungkahi niya sa board ang pag ampon kay Tucson bilang mascot.

“After all, the company has always been pet friendly, so now, we decided to embrace this idea in practice too, having our own pet precisely at a more complicated time like this with so many abandoned animals,” sabi niya.

Nang maitaas ang kaniyang adoption, dinala naman siya sa doctor upang makuha ang mga kinakailangan na bakuna. Hindi lamang pagiging miyembro ng team ang ibinigay kay Tucson kung hindi siya rin ay inaasahang maging star ng national advertisement campaign ng Hyundai.

Source: Bored Panda