Sa panahon natin ngayon na halos lahat ng tao ay gumagamit na ng internet o social media marami tayong nababalitaan at nalalaman na kakaiba.

Kung minsan naman ay may mga nababasa o napapanood tayo sa internet tungkol sa mga taong nabibigyan ng bagong pag-asa sa kanilang pamumuhay.

Tulad na lang ng isang kwento na ito. Matatandaan na kamakailan ay nagviral sa social media na Facebook app ang isang pakaboy na talagang mamangha ka dahil sa pagsasalita nito ng ingles.

Maraming netizen na nakapanood ng video ang natuwa sa palaboy dahil sa mga kasabihan nito , hugot lines at mga inspiring lessons na kanyang sinasabi sa nasabing viral na video.

Ang tinutukoy na palaboy ay si Roberto, na mas kilala ngayon na si Berta, tubong Cebu City. Ayon sa aming pagkaka-alam pang-apat siya sa limang magkakapatid.

Ayon sa kwento ng buhay ni Berta. Dati siyang Guro na nabigo sa pag-ibig at di kalaunan ay napasok at nalulong sa masamang bisyo at hindi nag tagal matapos siyang iwan ng kanyang partner ay naging palaboy na ito sa kalye.

Samantala, dahil nga sa angking galing nito sa pagsasalita ng ingles ay marami talagang natutuwa kay Berta kaya nga ang iba na makakasalubong siya ay bini-videohan ito at ipopost sa social media.

Kwento naman ni Evangeline isa sa mga kapatid ni Berta, sobrang naawa siya ng mapanood niya sa social media ang kapatid hindi niya napigilan maluha ng makita ang kalagayan ng kanyang kapatid ngayon.

Ayon kay Evangeline, simula palang ng bata sila ay hindi na naging madali ang kanilang buhay dahil maaga silang naulila sa ina dahil sa pagpanaw nito at ang kanilang Ama naman ay na lulong sa alak, Tanging tulong na lang galing daw sa mga kamag-anak kaya sila nakakapag-aral.

Ngunit kwento pa ni Evangeline ay hindi daw naging hadlang sa kanyang kapatid na si Berta ang kahirapan upang hindi makapagtapos ng pag-aaral. Dahil sa katunayan daw ay nakapagtapos sa kolehiyo si Berta ng kursong Education, Major in English at naging Guro noon.

Samantala, sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagsimula daw masira ang buhay ng kanyang kapatid ng ito ay umibig sa isang lalaki at humiwalay sa kanilang pamilya.

Dagdag pa ni Evangeline, nang makarelasyon daw ni Berta ang lalaking tinutukoy ay natuto na itong mag bisyo at nang iwan naman siya ng kinakasama ay tuluyan ng nagbago si Berta at nawala na sa hustong pag-iisip, hanggang sa maging palaboy na ito sa loob ng 17 taon.

Ngunit sa awa ng Diyos at sa kabutihang palad ay may isang mabuting puso o good samaritan na nakapansin at nakakita kay Berta sa lansangan siya at si Anton Camilo na isang Vlogger.

Ayon kay Anton, nang makita niya si Berta ay pumasok agad sa kanyang isip na gusto niyang tulungan ito dahil katulad daw ni Berta ay nagdaan din siya sa matinding depresyon kaya naman naniniwala siya na gagaling din ito.

At doon nagsimula ang samahan at pagkakaibigan nila, kwento pa ni Anton na itinuturing niyang isang kapatid at Kuya si Berta sa katunayan nga ay kanya itong pinapakain at dinadalaw tatlong beses sa isang linggo.

Sa kanilang pagsasama bilang kaibigan at halos parang magkapatid dito nalaman ni Anton na malaki pa ang pag-asa na magbago ang kanyang kuya Berta dahil sadya itong matalino at maraming nakakainspire na life lessons at word of wisdom.

Marami siyang mga word of wisdom. Iyong language niya, English, Tagalog, Cebuano,”

“Itinuring ko si kuya na kapatid ko. Tinutulungan ko si kuya Berta kasi naranasan ko rin iyon, so kailangan ng tao na umiintindi.

Sabi ko sa sarili ko ayaw kong bitawan si kuya Berta hangga’t hindi ko matapos iyong gusto kong tulong.” Sambit ni Anton.

Dahil sa kagustuhan talaga ni Anton na gumaling ang kanyang Kuya Berta ay napagdesisyunan nilang ipasok sa rehabilitation na Safeheaven Add!ction Treatment and Recovery Village.

Sumang-ayon naman ang kapatid ni Berta na si Evangeline upang tuluyan na ngang gumaling ang kanyang kapatid

Nakisama naman si Berta at pumayag itong magpa-rehab at magpagamot sa SafeHeaven. At ngayon nga matapos lang ang isang buwan na paninirahan ni Berta sa SafeHeaven ay napakalaki na ng pagbabago ng dating palaboy na si Berta.

Malinis na ang pananamit nito ngayon at malusog ang pangangatawan mas naiintindihan narin ang mga salita nito at naging matino na ang pag-iisip.

Naging malaking tulong kay Berta ang pagsa-ilalin sa mga life coaching and checkups at paglalaro ng sports sa loob ng rehabilitation.

Nabanggit din ni Berta ang kanyang mga naging karanasan sa buhay at naging totoo din siya sa mali niyang nagawa noong pumasok siya sa madilim na mundo dahilan kung bakit siya pansamantalgang nawala sa katinuan at naging palaboy sa kalye, inaapi ng kapwa at namamalimos.

“To be honest, ayokong magsinungaling, ha? Drvg add!ct ako. Ad!k ako, sir. Panginoon, I will never lie. Ad!k ako.”, ani Berta.

Kaya naman labis-labis ang pasasalamat ni Berta sa mga tumulong sa kanya lalo na kay Anton na siyang naging daan sa kanyang pagbabagong buhay.

Nagkita naman muli ang magkapatid na si Berta at Evangeline ng bisitahin siya sa SafeHeaven. Ayon kay Berta sobrang saya niya sa loob ng facility at excited na nga siya makalabas doon matapos ang 9 na buwan.

Sa pagtatapos ng pakikipag-usap kay Berta ay nag iwan ito ng napakagandang mensahe para sa mga katulad niyang may pinagdadaanan sa buhay.

“All I can say is do good, be good and be hardworking. And don’t follow some of the people who are taking drvgs. Live a new life and good life,”, pagtatapos ng dating palaboy na si Roberto aka Berta.

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho