Nalalapit nanaman ang Pasko na kung saan ang lahat ng tao ay nagmamahalan at nagbibigayan. Sa ating mga Pilipino, napakahalaga ng Pasko lalo na sa pagiging buo at masayang pamilya na sasalubong dito.

Handaan at kainan na salu- salong dadatnan ng bawat miyembro ng pamilya.

Kadalasan, ang malalayong miyembro ng pamilya ay talaga nga namang naglalaan ng oras upang makauwi at makasama ang kanilang pamilya.

Ngunit nakakalungkot isipin na minsan ay hindi sila nakakauwi dala ng mahigpit na schedule sa trabaho.

Isang Pilotong Pilipino ng Philippine Airlines Flight na si Juan Paolo Fermin ang hindi nakasama ang kaniyang mga magulang sa loob ng magkakasunod na 17 na Pasko.

Nagkaroon siya ng pagkakataon na isurpresa ang kaniyang nanay at step father pagkat iisang eroplano lamang ang kanilang sinasakyan.

Hindi inaasahan ng kaniyang ina at step father na galing pang Vancouver, Canada na may magaganap palang surpresa byahe nila pauwing Manila.

Pinlano daw talaga ito ni Juan kasama ng mga cabin staff at nakipag palit ng schedule sa kapwa piloto upang maging posible ang matagal na niyang pinapangarap.

Nilapitan niya ang kaniyang ina at step- father habang dala- dala ang mga bulaklak. Tanging “Hala, Anak ko!” ang nasabi ng kaniyang ina sabay yakap ng mahigpit at talaga namang nag iyakan dahil sa wakas ay nagkasama na sila sa espesyal na araw matapos ang 17 taon.

Saad ni Juan Paolo, “I really did want to fly my parents home. Aside from that, the benefits I receive as a pilot will allow them to come home more frequently- it will be easier because it will become more practical”