Sa usaping pag-ibig hindi mo kailangan maging maganda o gwapo, mahirap o mayaman para lang magustuhan ka ng taong gusto mo.

Dahil mayroong mga tao na hindi nagbabase sa itsura ng isang tao kundi tinitignan nila ang busilak na kalooban ng isang tao.

Katulad ng isang nag viral sa social media na mga larawan ng isang Pinoy na Tricyle driver kasama ang sinasabing asawa nito na isang magandang foreigner.

Ayon sa post ng isang fan page sa Facebook na “Pilipinas Trending” Makikita ang isang tricycle driver na lalaki na nakapangasawa ng isang magandang Amerikana kung saan kasama nito sa isang larawan.

Mababasa rin sa nasabing post ang dahilan kung bakit nahulog ang loob ng dayuhan at paano nag simula ang kanilang love story kahit na parang malayo ang agwat ng kanilang pamumuhay.

Narito ang nasabing larawan ng tricycle driver at ang kanyang napangasawang Amerikana.

Ayon sa post ng naturang page, Napamahal daw ang babaeng dayuhan sa tricycle driver dahil daw sa sobrang pagka-hospitable , magalang , mapagmahal at sobrang bait daw nito.

Ang lovestory ng Tricycle driver na ito at ng dayuhan ay isang patunay na hindi lahat ng babae ay bumabase lamang sa itsura bagkus may mga babaeng tinitignan ang tunay na kalooban ng isang tao.

Maraming mga netizen naman ang humanga sa dayuhan dahil kahit tricycle driver daw ang lalaki ay minahal pa din niya ito ng lubos.

Mababasa naman sa naturang post ng Facebook page na Pilipinas Trending ang mga katagang ito:

“Tunay na pag-ibig talaga dahil nagustuhan daw ng foreigner na ito ang pagiging hospitable, magalang, mabait at mapagmahal na pinoy, hindi sya tumitingin sa panlabas na anyo, kaya sa mga single dyan wag kayo mawalan ng pag-asa dahil may nakalaan ang Diyos para sa’yo.”

Umani naman ito ng Ibat-ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens:

“Ganoon talaga ang ibang lahi, hindi sila tumitingin sa pisikal na anyo at nakabase sila sa ugali ng tao” Ayon sa isang netizen.

“Aanhin naman ang gwapo kung babaero naman at manloloko, Kung kaya dapat ay hanapin ang maganda ang ugali at tunay na mamahalin ka” Pahayag naman ng isang netizen.

“Hindi uso sa mga dayuhan ang diskriminasyon, hindi tulad dito sa Pilipinas punong-puno ng panlalait sa kapwa” sambit pa ng isang netizen.

Marahil mayroon talagang mga tao na nakabase sa itsura at pisikal ng isang tao kaya naman ang iba ay hindi makapaniwala na mabibighani ang isang magandang dayuhan na ito sa isang lalaki kagaya ni Kuya.

Ngunit gayunpaman hindi naman mahalaga ang sasabihan ng ibang tao. dahil ang importante ay masaya silang magkasama at nagmamahalan ng totoo.