Bilang isang indibidwal, ano ang basehan mo sa tunay na kaligayahan at kapayapaan sa pamumuhay mo? Kaya mo bang i-sakripisyo ang mga material na bagay na alam mo namang hindi mo na madadala sa kabilang buhay?

Kaniya kaniya nga naman tayong pananaw sa buhay ngunit mas pinili ng aktres na si Andi Eigenmann na pakawalan ang lahat ng material na bagay na mayroon siya pagkat ang nais niya lang ay mabuhay ng simple at masaya kasama ng kaniyang pamilya.

Makikita sa official Facebook Page na Andi and Philmar @AndiandPhilmar ang isang post na kung saan muling pinamangha ni Andi ang kaniyang mga taga hanga dahil sa naturang caption ng kaniyang larawan.

Isinaad niyang wala na siyang kahit ano pang ari- arian. Lahat ay kaniya nang ibinenta maski ang gamit pang artista. Napagtanto niya na ang lugar kung saan siya namamalagi sa kasalukuyan ay ang lugar kung saan nais niyang mabuhay.

“Na-realize ko lang na itong lugar na ‘to, dito ako nababagay. I sold everything that I felt was an idea of luxury that I didn’t need.

I don’t own cars, any designer clothes, bags—lahat ng mga pang-artistang ‘yan, makeup, lahat ‘yan wala na. Kahit mga kasama sa bahay, yaya, driver, wala na lahat’’.

Sa katunayan, hindi lahat ay nawala kay Andi dahil naroon pa din ang mga taong mahal na mahal niya na kailanman ay hindi matutumbasan ng kahit na anong halaga ng gamit o pera.