Kaniya kaniya nga namang diskarte sa buhay kung paano ka magtatagumpay. Hindi rason ang mga problema at kahirapan ng sitwasyon upang ikaw ay sumuko.

Kagaya na lamang ng isang seaman na ito na nauwi sa pag tatanim at pag bebenta ng halaman matapos hindi maka sampan muli sa barko.

Sino nga naman ba ang hindi manghihinayang sa sinasahod na Php 180,000 kada buwan?

Nakilala ang seaman na ito blang si Ely Feria, 54 taong gulang na iginugol ang 27 na taon ng kaniyang buhay sa pag sampa sa barko at pagtatrabaho para sa kaniyang pamilya.

Taong 2018 nang matapos na ang kaniyang kontrata. Halos dalawang taon din siyang tumigil at napagdesisyonan niyang muling sumampa sa barko ngayong taon ngunit dala ng pandemya ay hindi ito naisakatuparan.

Lubos ding naapektuhan ang negosyo nilang bilyaran at computer shop dahil sa lockdown.

Nanibago man silasa takbo ng kanilang buhay hindi naman din nila pinabayaan ang kanilang mga pinag hirapan at umisip pa ng mas mabisang paraan.

“Malaki ang kawalan talaga ng finances. Mahirap mag- adjust lalo na yung mga bata nasanay silang kungmay gusto sila maibibigay namin” ani ni Ely.

Bilang suporta ng kaniyang asawa na si Sheila, “What if i-pursue natin yung noon- noong plano mon a gusto mong magkaroon ka ng garden? Magtatanim, magbebenta tayo ng mga halaman, siguro it’s about time na ito ay ituloy natin”.

Unang sinubukan ni Ely ay ang pag gawa ng mga paso na kanilang ibebenta saka sinubukan ang paunti- unting pagtatanim ng halaman. Mabuti na lamang ay nabubuhay ang mga halamang itinatanim ni Ely.

Nagkakahalagang Php 5,000 lamang ang ipinuhunan nilang mag asawa na kinalaunan matapos ang tatlong buwan ay napalago nila ito na umabot naman sa Php 120,000.

Source: GMA