Kung ano man ang mayroon ka ngayon, maaari itong mawala sa iyo. Katulad na lang ng mga artista, hindi habang buhay ay naka depende ang kanilang kinabukasan doon.

Ninanais din nilang magkaroon ng iba’t ibang source of income nang sa gayon kahit umalis sila sa industriya ng pag aartista ay mayroon silang buhay sa labas nito.

Isa pang halimbawa ay ang ating pambansang boksingero na si Manny Pacquiao na kung saan ay nagsimula lang sa pagiging isang simpleng boksingero at nagtagumpay sa buhay.

Ngunit hindi naman din habang buhay ay lalaban siya sa larangan ng boxing. Isa pa, mayroon siyang mga anak na kaniyang pamamanahan at hindi niya hahayaang maghirap muli ito pag dating ng panahon.

Kaya naman, upang mapangalagaan ang paghihirap na ito, naging matalino sila Manny at gumawa ng tamang desisyon sa pag hahawak ng pera. Ngayon ay may iba’t iba na silang negosyo sa buong mundo.

Saad niya, “Many of you know me as a legendary boxer, and I’m proud of that. However, that journey was not always easy. When I was younger, I became a fighter because I had to survive. I had nothing. I had no one to depend on except myself. I realized that boxing was something I was good at, and I trained hard so that I could keep myself and my family alive.”

1. Waterotor Energy Technologies

Naging partner naman ni Manny sa negosyo na ito ang isang clean technology company mula sa Ottawa, kung saan ito ang siyang nagbibigay ng murang renewal energy sa bansa.

2. ONE Championship

Isa naman sa mga investments ni Manny ay ang ONE Championship, isang sports media company mula sa Singapore.

3. GTOKEN

Ang GTOKEN naman ay isa rin sa mga negosyo na mayroong investments na inilagay si Manny.

4. Roadhaus Economy Hotel

Ang hotel naman na ito ay pagmamay-ari nina Jinkee at Manny. Ito ay matatagpuan sa General Santos City, South Cotabato.

5. Revolution Precrafted

Ibinahagi niya ang mga larawan ng kaniyang mga negosyo sa kaniyang IG account na may caption na

“I’m very glad to be a design partner of Revolution Precrafted for affordable homes and other sports and wellness structures.”