Madami ang nag nanais na tumira at mamalagi na lamang sa probinsya kaysa sa siyudad. Ayon sa iba, mas mapayapa at simple daw ang buhay dito kaysa sa magulo at masalimuot na siyudad.

Kasama naman din sap ag papamilya ang pagkakaroon ng sariling tahanan na mauuwian pag katapos ng trabaho o di kaya man ay galing sa eskwela.

Kay sarap makita na ang buong pamilya mo ay nag aantay sa iyo sa tahanang pinag paguran mo

Nagsilbing inspirasyon ang artistang si Andi Eigenman dahil sa kaniyang simpleng pamumuhay kasama ng kaniyang dalawang anak at ng kaniyang nobyo.

Sila ay kasalukuyang naninirahan sa probinsya ng Siargao. Mas pinili nilang mamalagi dito dahil sa pagiging simple at natural na kalikasan.

Sa kaniyang Instagram account, ipinasilip niya ang kanilang dream house na maapit nang matapos. Ayon sa kaniyang caption, “Living my island dreams have been nothing short of amazing sharing it with you @chepoxz! Salamat karajaw. Our dream house slowly coming together. We are happy and looking forward to sharing it with all of you soon!”

Tunay ngang kuntento na si Andi sa kung ano at sino ang mayroon siya ngayon. Bagaman simpleng pamumuhay lamang, naroon ang kasiyahan at pagmamahalan sa isa’t isa nilang buong pamilya.

Madami din ang pumuri sa kaniya na kapwa niyang sikat na artista ganoon din ang ibang mga taga hanga.