Lahat tayo ay nangangarap na magkaroon ng sariling bahay at matupad ang ating mga ambisyon sa buhay.

Pag dating naman sa mga disenyo o gustong porma ng kanilang pinapangrap na bahay ay may kanya kakanya tayong gusto ang iba pa nga ay nagbabase sa kanilang personal na katangian o kung ano ang kanilang hilig.

Upang masakatuparan ang mga pangarap na bahay o gusto natin mga disensyo ay kakailangan natin ng mga propesyonal na tao tulad ng Inhinyero, arkitekto at interior designer na mas nakakaalam kung paano mapapaganda ang isang tahanan.

Tulad nalang ng bahay na ipinatayo ng isa sa pinakamagaling na aktor sa bansa na si John Lloyd Cruz na talaga naman nakakamangha ang pag ka elegante at kaswal ng bahay nito.

Marami ang personalidad na nagpapatayo ng bahay na gustong disenyo ay mag pag ka moderno na istraktura ang kanilang tahanan. Pero mas ninais ni John Lloyd na maging French-Mediterranean ang disenyo ng kanyang tahanan.

Sa labas palang ng bahay nito ay makikita mo na ang pag ka French-Mediterranean na disenyo nito, At sa loob naman nito ay bubungad sayo ang mala-Ameriacan Design ng interior ng bahay dahil ang pinaka unang gusto niya ay magmukhang komportable ang disenyo ng kanyang tahanan.

Makikita ang mala palasyong bahay ng aktor na si John Lloyd sa Antipolo City na may 1,100 metro. Para makuha ang istilo at disenyo na gusto ng aktor ay kinailangan niya ang tulong nina Roland Andres at Danny Lucas na mga propesyonal pagdating dito.

“Kung ano man ‘yong makikita niyo dito – laman ng bahay, ‘yong dating bahay sa akin talaga, number one kung kinonsider yung comfort.” hayag ng aktor. Makikita dito ang ilang detalye na may pag ka French-Mediterranean ang tahanan ni John Lloyd.

Mula sa labas makikita mo agad at ikaw ay mamangha sa ganda nito na akala moy ikaw ay nasa Los-Angeles dahil sa dating nito.

Naglagay din siya sa kanyang bakuran ng isang mini pond para ilagay ang kanyang mga alagang Koi Fish, Dahil ang pamilya ni John Lloyd ay mahilig sa isdang ito. Isa din itong mini pond sa nagdagdag ng ganda sa disenyo ng kanyang bahay.

Makikita naman sa pagpasok ng kanyang bahay ay malawak na espasyo at isang malaking hagdanan patungo sa mga silid sa ikalawang palapag.

May malaki rin itong orasan namakikita sa isang malaking pintunan at ang orasan na ito ay nagmula pa kay Arte Español.

Matatagpuan naman sa bandang ilalim ng kanyang hagdan ang mala hotel na disenyo ng kanyang Powder Room.

Sa kanya naman mala palasyong hapagkainan na kasya ang sampung katao na gawa sa puno ng Narra ang bubungad sayo sa kanyang dining room. Ang kanyang dining set na ito ay nabili niya sa Linea Furniture.

Habang sila ay kumakain dito matatanaw mo sa kanilang harapan ang isang clear sliding door na kita ang ganda na nasa kanyang kapaligiran.