Ang batang artista na si Ryzza ay isa sa mga child star na sikat na sikat simula nung siya ay manalo sa programang Eat Bulaga sa segment na “Little Miss Philippines”.

Sa murang edad na ni Ryzza na 15-taong gulang ay talaga namang malayo ang narating ng batang si Ryzza sa kanyang karera sa showbiz.

Mula sa kanyang pagkapanalo sa Eat Bulaga ay ito ang naging kanyang daan patungo sa magandang oportunidad sa child star.

Si Ryzza Mae ay isa din sa mga host ng naturang programa na Eat Bulaga isang noontime show sa GMA at host din siya ng kanyang sariling show na Ryzza Mae Television.

Sa kanyang magandang takbo sa mundo ng showbiz sa maikling panahon lamang ay nakapag patayo siya ng isang malaking bahay.

Sa mura niyang edad ay nainpundar niya ang bahay na ito para sa kanyang pamilya ilan sa mga ito ay kanyang tatlong palapag na bahay na ngayon ay kanilang tinitirahan at (2) dalawang sasakyan.

Ayon sa batang artista ang kanyang ina na si Riza ang nag asikaso at naghanap ng kanilang bahay. Dati ay nangungupahan lang sa isang apartment at pamilya ni Ryzza Mae sa may Caloocan City bago ito makalipat sa kanyang “Dream House”.

Sa kanyang mala mansyon na bahay ngayon ay talaga naman na ibang iba na ang kanilang buhay hindi tulad ng sila ay nangungupahan palang dahil pag pasok mo palang sa bahay na ito ngayon ni Ryzza ikaw ay mabibighani na sa sobrang elegante nito.

Ang mga sofa nila na may kulay na grey at sa harap naman nito ay ang TV Flat screen na talaga namang akmang akma sa kulay at desgin ng bahay.

Tama lang ang kulay na ito dahil may mga bata para hindi dumihin tignan. Napaka ganda din ng kanilang dining area dahil makikita dito ang mga naggagandahan na gamit pang kusina.

Mapapansin mo anman sa dining table na may isang hanging mirror sa taas ng isang black console table at sa taas naman nito ay may mga larawan ni Ryzza Mae at ng kanyang pamilya. makikita din dito ang larawan ng kanila promo picture kasama sina Vic Sotto at Bimbi Yap.

Matatagpuan naman ang mga kwarto ng kanyang mga kapatid sa ikatlong palapag. Ang iba naman niyang kapatid tulad na si Nicole at Nathan ay magkasama sa isang pambatang kwarto ngunit magkahiwalay na kama.

Ang bawat kama ay mga desenyo at larawan ng mga kanilang paboritong cartoon character.

At ang larawan naman ng batang aktres na si Ryzza Mae ang mayroong pinaka malawak na silid na may pinturang Baby Pink.

Isang build in bed na may pull out para naman ito sa kanyang kapatid. Mayron din isang malaking kabinet na kulay dilaw at isang malabalahibong carpet na kulay green na nakalatag.

Makikita din sa kwarto ni Ryzza ang isang pink-toy operated na car na iniregalo ng singer na si Pops Fernandez. Marami din itong magagandang damit na makikita sa malaking kabinet at mga signature bag na regalo lamang sa kanya.

Sobrang ganda ng bathroom ni Ryzza at napaka ayos nito. Makikita dito ang isang vibrant green chair at charmy pink bath mat. Ang naturang green chair ay siyang ginagamit ni Ryzza.