Dahil na nga sa pandemyang ito, ang lahat ay bumabase na sa online, mapatransaksyon o pag- aaral pa ýan. Ngunit kahit noon pa man ay madalas na daing ng mga netizens ang kanilang mahinang connection sa internet.

Nagbabayad ng tama ngunit mababang serbisyo ang nakukuha.

Samantala, isang netizenna si Shawn Matiz ang nagbahagi ng isang tip upang mapabilis ang signal ng inyong internet connection.

Ayon sa kaniya, aksidente lamang ang lahat ng ito ngunit naging epektibo. Kwento niya, hinangin lamang ang foil na tinanggal niya mula sa ilalim ng router na ito at hindi na niya ginalaw.

Isa lamang ang kinakailangan na kagamitan at simple lamang ang proseso kung paano gawin ang “DIY WiFi Booster”.

Narito ang ibinigay niyang procedure at requirement.

“Sa mga may problem po kay Pldt home wifi, mahina ang signal, share ko lang po yung resolution ko. (Sorry labo po ng pic).

Kagabi to nangyari parang accident lang, dapat yung foil na yan nasa ilalim ng router, then tinanggal ko tapos nilipad ng fan, so ayun di’ ko na sya ginalaw.

Requirement:

1. Aluminium/Aluminum Foil ( wala eto lang )

Width – twice ng sukat ni router, tapos naka fold po.

Height – naman lampas ng 2 inch sa height ni router, tapos slightly bent.

Nakasandal lang yung foil, and then yung naka bent na part acting na parang bubong sya sa grille ni router, pag tinanggal ko yan naku po! 1 bar na putol putol pa ang calls ko.

Netizen, Ibinahagi Ang Kanyang Nadiskubre Para Mapabilis Ang Signal Ng Internet ConnectionMayroong isang simple tip na…

Posted by Breaking News Update on Monday, September 7, 2020